Twenty One

2K 65 16
                                    

Pagod na pagod na ako kahit dalawang oras palang ang tinagal ko dito sa school, sobrang init at sobrang dami ng nilalakad.

Kelangan ko pang magpapirma sa library kahit naman di ako humihiram ng libro doon.

Sinilip ko ang clearance ko para i-check ang pirma, agad na nag init ang ulo ko ng makitang ni tuldok ay walang nakalagay doon.

"Kainis!" nagdabog akong naglakad patungo kila Aveline na ngayon ay nakapila na. Pinakita ko sakanila ang blankong clearance ko

"Hindi nya pinirmahan!" sumimangot ako at patakbong bumaba ng hagdan, I almost fell kung hindi lang ako nahawakan ng isang lalaki sa bewang ko.

Tinignan ko ang lalaki at narealize na si Zarette pala.Oo si Zarette! The hell?!

"Bitawan mo nga ako!" his jaw clenched bago nya ako binitawan.

Napalinga ako at madaming nakakita sa eksena naming dalawa.

Well, okay na siguro iyon kesa naman sa makita nila akong madapa diba?

Half thankful, sige na nga.

"Come with me" aniya, saka ako hinila. Talaga! I'll come with you! Yung clearance ko!

Kanina pa ako reklamo ng reklamo, paano ay kung saan saan nya na ako kinakaladkad!

He intertwined our fingers together, kahit anong hila ko ay di nya ito binibitawan.

"Teka, san ba tayo pupunta? Naiinitan ako, hello?" pagsusungit ko.

"Wala, iniikot lang kita"

Marahas kong hinila ang kamay ko at tinalikuran sya, pinaglalaruan nya ako. Pinaglalaruan nya na naman ako!

"Madox" he said huskily, I closed my eyes trying to calm my self. Affected ako, tinawag nya lang ako pero bakit tila natunaw yung galit ko?

"Stop playing games with me" I walked away, never minding the fact that I need him to sign my clearance.

"Tapos na ba kayo? Gusto ko na umuwi" wala na akong gana pa, drain na drain na ako.

Nagkatinginan silang tao bago tumango.

Ramdam kong gusto nilang magtanong, wala namang nangyari, inikot ikot lang naman ako sa school na to na parang kelangan ko ng tour.

Nakakainis talaga!

"Ano bang nangyari? Napirmahan na clearance mo?" tanong ni Prim, nasa passanger seat sya at nasa back seat naman sila Aveline at Breana.

"Hindi. Bukas nalang, pagod na ako"

Tahimik ang bahay pagkadating namin, tinanong kami agad ni Manang kung anong gusto naming pagkain sa gabihan.

"Ako po manang gusto ko ng inihaw na tilapia." sagot ko. Lahat naman ay iyon rin ang gusto, plus barbecue!

"Bihis lang ako" paalam ko, umakyat na rin sila para magbihis.

Ilang beses kong pinihit ang door knob ng kwarto ko pero ayaw bumukas, kinalkal ko ang susi at saka ko lang iyon nabuksan.

"Ano to?" dinampot ko ang nagkalat na black pants at itim na shirt. Inamoy ko ang shirt at nakumpirmang kay Zarette iyon dahil sa bango nito.

What the hell!?

Napapitlag ako nang lumabas sya sa banyo. Nakaputi syang t-shirt at itim na board shorts.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakikihugas ng kamay." aniya, kinuha nya sa akin ang mga damit nya at nilagay iyun sa laundry box ko.

Humiga sya sa kama ko at niyakap ang unan ko.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon