His smile...
It's a Saturday, feel ko ang mag bake o gumawa ng something sweet ngayon.
Graham cake kaya?
Tama! Iyon ang paborito ko, paborito rin ng masungit na si Chairman. Yun nalang! Saka ko sya bibigyan.
Kumuha ako ng graham sa cracker storage, condensed milk at nestle cream. Dumurog rin ako graham para sa toppings.
"Manang, wala ba tayong sweet mangoes?" iyon din sana ay maganda toppings, kaso wala naman akong makitang laman ng ref.
"Naku, yun ang wala. Sakto at mamamalengke ako, pakisulat nalang dyan sa listahan para di ko makakalimutan." saka inabot sa akin ang isang listahan ng kanilang bibilhin.
Sinulat ko ang sweet mangoes at iba pang ingredients para sa gagawin ko pang cookies.
Tuwing sabado kasi ay ang aking cheat day! Yehey!
Nilinya ko ang mga grahams sa dalawang tupperware, saka ko nilagay ang pinaghalo kong Cream at condensed milk.
Nilinyahan ko ulit at at nilagayan ko ulit hanggang sa mapuno. Hindi ko muna nilagay ang ilang natitirang mixture at ang powdered graham dahil hinihintay ko pa ang sweet mangoes.
"Oh eto na iha, para saan ba iyang ginagawa mo? Pumapayat ka na nga anak, tuloy tuloy mo na"
"Eh manang kila Prim naman to, idadala ko" nakangiti kong sagot.
"Baka sa kambal nya kamo, yung noong isang gabi? Nililigawan ka ba non?
" tinapunan nya pa ako ng malisyosong tingin. Hay nako manang."Ang gwapo gwapo nun manang tapos sa akin papatol? Imposible" napailing nalang ako.
"Sinong nagsabing imposible aber? Sa pag-ibig kahit sino ka pa, kahit ano ka pa kung mahal ka talaga ay tatanggapin at mamahalin ka parin."
Napangisi ako habang humihiwa ng mga bagong hugas na mangga "Si Manang may hugot oh. Iba na ho kasi ngayon manang, masyadong mataas ang standards ng mga tao"
"Pag nagmahal ka iha, ang standards na yan lulunukin mo nalang. Mahal mo eh, tatanggapin mo o mawawala sya sayo dahil sa kaartehan mo?"
"May pinaglalaban talaga kayo manang" humalakhak nalang ako at nanahimik nalang. May punto naman si Manang, tama naman iyon. Pero para kasi sa akin sobrang imposible.
Sayang naman ang kagwapuhan nya kung sa akin sya babagsak diba?
Pero sige, pag sexy ko pwede. Hehe
Hinayaan ko muna sa freezer ang cake na gawa ko, mamayang tanghali balak ko iyong idala. Okay na siguro na i-ref ko iyon ng tatlong oras.
"Ting!" tunog ng oven, luto na ang isinalang ko na cookies. Dahan dahan kong inalis iyon at nilapag sa mesa.
"Hmm, ang bango" sininghot singhot ko pa ang amoy ng bagong lutong cookies.
Sana magustuhan to ni Prim saka ni Zarette!
Saka ko lang naalala hindi nga pala kumakain si Zarette ng hindi luto sa bahay nila o ng chef nila. Paano na? Sana tanggapin nya pa rin no!
Naalala ko tukoy si Ate girl sa field, yung lumapit kay Zarette at nagabot ng graham cake pero hindi nya tinanggap. Sana naman ay hindi nya gawin yun sa akin.
Made with effort to no! Major effort!
Kung ayaw nya naman ay for sure magugustuhan ito nila Zephryne, Zades at Prim. Pero sana magustuhan nya.
"Good Afternoon po Tita Penelope, sila Prim po?" bebeso sana ako pero pinigilan nya ako.
"Madumi ako iha, nasa entertainment room. Pasok ka nalang, mukhang may dala ka" she even giggled nang sabihin nyang madumi sya, pero wala namang syang dumi.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanfictionSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...