Twenty Nine

1.7K 63 9
                                    

Sinantabi ko ang mga bulaklak at napainom nalang ng tubig. Hindi na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha kahit habang tumitikim ng mga sineserve. Hindi ko tuloy alam kung okay ba yung mga pagkain.

"Zarette, okay ba?" I finally had the guts to ask. Tumango lang sya at nagpunas ng bibig.

"Ako, hindi mo ba ako tatanungin kung okay ako?" tanong nya nang ihatid nya ako sa opisina ko, kanina pa sya tahimik, tango lang ang sinasagot nya sa mga sinasabi ko kanina sa baba.

"Then... are you okay?"

"Hindi." sabay sandal sa pinto ng opisina ko at humalukipkip doon. "I've never been this jealous, I've never been this insecure."

Hinila nya ang kamay ko at maya maya ay nasa pagitan na nya ako at ng pintuan. He sniffed my hair and planted a soft kiss on my head.

"I still love you even if it hurts." humalik pa sya sa pisngi ko bago ako pinatabi at lumabas ng opisina.

I was left there stunned.

Napaupo nalang ako sa akong table at doon pasimpleng sinilip ang pagsakay nya sa kanyang sasakyan.

My heart constricted when he looked at my direction. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang paulit ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi nya.

"I still love you even if it hurts"

Paano ba magmahal ng wala dapat masasaktan? Wala namang ganon, kapag nagmahal ka kasama na doon pati ang sakit. Its like a package deal.

Mahal nya parin ako kahit masakit na.

And that's Love. I guess.

"So ano na beshy? Di pa rin kayo nagkakaayos ng Mister Serious Black of your life mo? Balita ko kay manang andito sya kanina" sabay kagat sa hawak nyang mansanas.

"Hay nako Bree."

"Ikaw rin beshy, kakatakbo mo at kakahabol nya sayo maiba sya ng liko mapunta sa iba. Ikaw rin" pananakot sakin ni Bree, I tried to shrug it off but it bothered me.

"Nasan na ba yung dalawa?" pag iiba ko ng usapan, she smirked bago nginuso ang dalawang paparating at may hawak na tray na may lamang cupcakes.

Pagkalapag na pagkalapag ng hawak nilang tray ay inusisa agad ni Prim ang brown envelope na nasa harap ko.

"Ay, alam ko kung anong laman nito" she flashed a smug smile before showing Aveline the envelope.

"Ako rin." napangiti nalang din ng malawak si Aveline.

"Ano laman nyan?" usisa ko.

"Kaya ibinigay sayo para malaman mo" bored na sagot ni Bree.

"So alam nyong lahat kung ano to?" tanong ko, sabay sabay silang tumango.

"Hindi ko talaga alam kung bakit takot na takot ka sa katotohanan girl, the truth will set you and Zarette free." tinapik ni Aveline ang braso ko, it sent chills down to my spine.

"Sabi ko nga sakanya kakatakbo nya maiba ng liko si Zarette sa ibang babae mapunta. We all know that you're still into her Madox, and the feeling is mutual. Gusto mo bang makuha ng ibang babae ang Serious Black ng buhay mo?"


Nagkibit balikat ako dahil hindi ko sigurado ang isasagot sa tanong na iyon.

" Hindi habang buhay maghahabol sayo yung tao. The clock is ticking my dear friend, isa pa ang daming nakapila sa lalaking yon naghihintay na mapalitan ka sa trono"

"Kayong dalawa Aveline at Bree ha, ano ako maghahabol eh ako nga yung naloko." Pagdepensa ko sa aking sarili.

"Kaya nga binigay yang envelope na yan sayo para kahit papaano malaman mo na hindi ka niloko ng kapatid ko" nakataas ang kilay na sabi ni Prim.

"Eto ah, alam ko nasaktan ka ng kapatid ko at alam ko ring nasaktan din sya. Might as well heal each other diba? Ayan na nga oh Madox nasa harap mo na"

Nanginig ako nang hawakan ang envelope. Iniisip kung bubuksan ko ba ito o hindi.

"I-i can't. Hindi pa ngayon" we all sighed heavily.

"Okay then, buksan mo nalang yan kapag napagod na ang kapatid ko na maghabol sayo"

"Nakakapagod maghabol, Mad. Wag kang iiyak kapag nakahanap na sya ng iba dyan sa pagiging pakipot mo ha" banta ni Aveline. Napapikit nalang ako at napahimas sa batok ko.

Natatakot ako.

Natakot ako bigla.

Natatakot ako kasi may posibilidad na baka nga mapagod sya sa kakahabol sakin.

Takot na takot din akong maipamukha sa akin na mali lahat ng desisyon ko, na nasaktan ako sa wala, na iniwan ko sya dahil hindi ako nakinig sa mga paliwanag nya.

I left him when he wants to prove me wrong, when he needed me the most.

For almost three years pinanindigan ko na ako ang nasaktan kaya ako ang nangiwan. Itong envelope na nasa harap ko ang mananampal sa akin na mali ako, na mali na iniwan ko si Zarette.

Maling hindi ko sya pinaglaban dahil nasaktan ako sa mga bagay na akala ko totoo.

I gave him reasons to give up on me but he's till holding on, pero lahat may hangganan. Paano kung isang araw handa na ako tapos sya... Bumitaw na pala.

"Oh tama na pag iisip, kumain na tayo" tinapik ako ni Prim pero batok yata ang kailangan ko. Nanatili lang ako doon na nakaupo at nakatulala sa kawalan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, I'm scared and confused at the same time. Hindi ko dapat ito nararamdaman, dapat wala akong pakialam kung maghanap sya ng iba.

But somehow it pains me to hear those words, to hear that someone will eventually take my place in his heart.

Ano ba Madox?! Get your shits together. Mahal mo pa and that's a fact that you can't deny.

And you need him. Hindi lang para sayo.

Flaws and AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon