Namasyal kami ng mga bata sa mall, kailangan rin kasing bilhan ng nga gamit ang mga bata dahil naiwan sa Vegas ang kama, stroller at ilan pang damit nila.
"Wag na tayong bumili ng kama, katabi nalang natin sila matulog" ani Zarette habang tumitingin ako ng baby beds. Tumango naman ako at lumipat sa stroller.
"Bilhan nalang natin, hindi na kita makakatabi kapag nasa gitna na natin sila" he said grinning. Kinurot ko ang tagiliran nya habang natatawa.
"Ikaw, marinig ka ng mga bata" saway ko sa kanya.
"Hindi nila maiintindihan yan mahal, sige na sige na"
"Ayoko. Tigil mo nga"
He pouted and massaged his temples.
"Gusto ko pa naman ng quadruplets. The more the merrier"
I glared at him and sealed his lips with my index finger.
"Yung mga bata!"
"Mommy, I want" sabay turo sa kulay Blue na stroller. Paboritong kulay ni Kiel ang blue habang si Nyx naman ay beige o Pink. Bumaling ako sakanya at marahang siniko si Zarette. He just encircled his arms around my waist at ininspeksyon ang tinuturo ni Kiel.
"Kinuha naman iyon ni Zarette at sinakay si Kiel doon. Ako kasi ang nagbubuhat kay Nyx at sya naman kay Kiel.
"Ikaw Nyx ano gusto ng baby girl namin? Tell daddy" tinuro naman nito ang pink na katabi ng stroller ni Kiel.
Tumawag ng staff si Zarette at sinabi ang gusto ng mga bata, diretsong bayad na at pinagamit na rin namin sa kanila para madami pa kaming mabili.
"Mommy dito muna kami sa baby bottles" sabi ni Zarette at humalik sa ulo ko, si Kiel ang kasama nya at ako si Nyx. Sa clothing area ako at tumitingin ng mga sandos at iba pang damit nila lalo na ang pang tulog.
Ilang beses akong luminga dahil feeling ko may sumusunod sa amin but I shrugged it off dahil baka staff lang iyon. Ganun naman sa malls sunod ng sunod ang mga staffs.
Nakailang lagay na ako sa basket habang tulak tulak ang stroller ni Nyx. Iba talaga ang pakiramdam ko, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Lilingunin ko sana nang gulatin ako ni Zarette at ni Kiel.
"Mommy!" sabay nilang sabi, napapitlag ako sa gulat pero agad ding nakabawi at nakahinga ng maluwag. "Kayo talaga, sabi ko na eh may sumusunod sa amin" nakitawa nalang rin ako.
Zarette reached for my basket at sya na ang nag buhat, enjoy na enjoy nya ang pagsho-shopping. Muntik ko nang pitikin dahil sampong milk bottles ang hawak hawak. Naka sale daw kaya nya kinuha.
"Ang hirap kasing magtimpla ng gatas pag nagutom tong baby boy ko" sabay halik kay Kiel.
"Bilhin mo na kaya lahat yan mommy" natatawa nyang sabi habang pumipili ako. Umupo na sya sa swivel upuan malapit sa akin at hinihintay akong namimili ng damit. Nasa harap nya ang nakastroller na magkapatid.
"Alam mo ba feel ko talaga may sumusunod sa amin kanina" I confessed. Iba talaga kasi yung feeling ko kanina.
"Baka lalaki na gusto kang lapitan, ang ganda ganda kasi ng misis ko akala siguro available ka" pambobola nya sa akin. Binato ko sya ng isang sando na agad nya din namang nasalo.
He chuckled before reaching for my hand.
"Wala lang yun hal, shake it off" aniya so I calmed my self. Wala lang yun. Baka guni guni lang. Or I'm just being too paranoid.
Umuwi rin kami ng bahay ng maaaga dahil nga yung surprise para kay Zarette. Nagtext na si Prim na okay na ang lahat.
Excited na ako agad, gusto ko maging espesyal ang araw na to kay Zarette at sa mga anak namin.
BINABASA MO ANG
Flaws and All
FanficSabi nila "Find the Perfect one for you". Pero sino nga bang perpekto? Sinong tao ang perpekto? All of us are flawed, all of us are imperfect. All of us have sinned. All of us have something in our body to be shamed about. Walang taong ginawa para m...