Chapter 2

8.7K 140 0
                                    

(NICA'S POV)

"JEN, NAHIHILO na ako sa pabalik balik na paglalakad mo dyan. Umupo ka na nga lang!"

"Oo nga! Kahit ako din naduduling na sayo Jen. Relax ka lang friend!"

"Paano ako kakalma ha, Adelyn, Nica?! Paano kung ibully tayo ng mga taong yun dun sa block nila? Paano kung pagtripan tayo ng mga yun?"

Nandito kami ngayon sa tambayan naming bench. Kung saan kitang kita ang malawak na field ng Amethyst University. Sa harap ay mayroong miniforest kung saan sa likod nito ay ang wing ng S.A. Wala pang mga regular students ang nakakakita ng building ng mga S.A dahil ito ay ipinagbabawal na puntahan at ipakita sa publiko. Isang bagay na ngayon lang namin napagtuunan ng pansin. Wala naman kasi kaming interes na malaman pero ngayon na kailangan naming lumipat, parang sa isang iglap gusto na naming malaman ano nga ba ang meron sa likod ng gubat na naghihiwalay sa'min at sa kanila?

"Jenny, huminahon ka nga. Kinausap naman na ni Divina si Dean ngayon diba? Antayin na lang natin ang mga further instructions about this very unexpected decision galing sa napakagwapo nating Dean."

"Wala akong pake kahit na gwapo pa yang si Dean! He's like throwing us into a lion's den!"

Galit na galit na wika ni Jenny. Magbi-beast mode na yata 'to any moment.

"Grabe ka naman! Lion's den talaga? Hindi naman siguro sila ganun kasasama?"

Adelyn retorted but Jenny gave her a disapproving look.

"Ads, sa school na ito alam naman natin na mayroong sort of "caste system" hindi ba? S.A ang pride ng school natin. Sila ang mga napakatalinong mga estudyante na nagmula pa sa mga mayayaman at napakaimpluwensyang pamilya. At dahil doon, mas binigyan sila ng higit na importansya. Binigyan ng mas magagandang facilities at let's say separated from all of us. Nang dahil din doon pakiramdam nila mas mataas sila sa iba at kailangan silang hangaan."

May point si Jen. Patunay ka kasi dyan ang S.A WING. Sobrang istrikto nga ng management eh dahil kahit sa'ming mga regular students, bawal kaming lumagpas sa miniforest na yan. Yung iba na na nagtangka, pagka umaga balita namin lumipat na raw ng eskwelahan at ang iba naman naglaho na lang na parang bula. Oh diba? Sino nga naman ang di mapa-praning?

"Naalala ko pa ang mga narinig ko nung first yr pa lang tayo tungkol sa mga S.A. I just don't know if those were true that some of them were even gangsters."

"Sus. Sabi sabi sabi lang yun Manilyn. We don't really know those S.A kaya as much as possible, huwag na lang muna tayong mangjudge."

Eventhough I said that, alam ko hindi pa rin nila magagawang huwag mangamba. After all we're talking about the S.A here.

The mysterious and detached S.A's.

"So ano 'to HABSS prayer meeting?"

Agad kaming napatingin sa direksyon ng nagsalita. We saw Divina leaning on the near tree while looking at us with amusement in her eyes.

"Kanina ka pa dyan?"

"Hmm.. Medyo."

She said habang naglalakad at umupo katabi ko.

"So, how's it?"

Tinignan ako ni Divina ng matagal. Like she wants to say something. Pero tumingin na lang sya sa harapan at pinagmasdan ang kagubatan.

Problema ni friend?

"It's fixed. We are all transferring to the infamous S.A."

Hearing those words, biglang bulimis ang tibok ng puso ko samantalang hindi makapagsalita ang mga kaibigan ko at tinignan lang ang kagubatang tanging nagiging harang sa sikat na SA Wing.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ko din ang kagubatan kung saan sa loob nito hindi ko aakalaing magiging dahilan para mabago ang tahimik naming mg buhay.
















NANDITO ulit kami ngayon sa Dean's office. Pinapunta kami para kunin ang mga bago naming uniforms, at schedules.

Habang nasa loob, ngayon ko lang talaga napansin lahat ng plaques and trophies na nakasabit at nakadisplay sa office ni Dean.

Sa edad lamang na 25 ay sya na ang naging Dean ng aming school. Matalino, gwapo at successful. No wonder marami syang tagahanga. May picure din sya na nakaukit sa ibaba ng kanyang pangalan ang mga salitang STUDENT COUNCIL PRESIDENT 2007-2008. Maliban dun meron ding iba pang pictures kung saan kasama nya ang ilan sa mga crush ng mga kaibigan ko. Syempre nakita ko din ang picture ng sinta ko na si Sir Ryian. Mabuti pa si Dean may picture kasama ni my labs. Ako nganga! Oh edi ikaw na Sir! >__<

"Ms. Monares pwede ka bang pumunta na dito sa harapan para makapagsimula na ako?"

"Ay sorry po Sir."

Hindi ko pala namalayan na ako na lang pala ang nakatayo at nakatitig sa shelves ni Sir. Siniko ko naman si Jenny pagkaupo ko at binulungan.

"Ba't di nyo ako tinawag? Pahiya ang beauty ko dun!"

"Anong hindi tinawag? Ang sabihin mo bingi ka lang talaga! Eh halos maubusan na nga ako ng laway kakasitsit sayo eh!"

"Eh nacarried away lang. Nakita ko kasi picture ni my lab---"

Tinignan ko kung sino ang kumurot sakin. Only to see Divina na itinuturo ang direksyon ni Dean na kanina pa pala walang imik.

Mukhang hinihintay nya akong matapos magsalita. Hihihi.

Tumahimik na lang ako at binigyan sila ng matamis na ngiti. ^_______^

"Ms. Cervantes and I already talked about this. She will also be your team captain in this task. Makikihalubilo kayo sa mga S.A bilang mga classmates nila."

Pagsisimula ni Dean.

"Eh Sir, paano po pala namin gagawin yung pinagagawa nyo? Ano po yun kailangan sobrang bait na po nung mga S.A para masabing tapos na po namin ang task na 'to?"

Biglaang tanong ni Adelyn.

"Well, kailangang may magbago sa kanila. Kailangan nilang matutong magpakumbaba, magpahalaga sa kapwa at rumespeto sa mga nakatatanda. Unfortunately, they have forgotten that."

He said, still wearing the same poker face.

"Eh?! So kilangan may halo na sa mga ulo yung mga yun bago tayo i-pull out sa block nila?!"

I blurted out that made Dean Soo turned at me surprisingly. Nagulat yata sa pagsigaw ko.

Maya maya pa, he cleared his throat at binigyan ako ng nanghahamong tingin.

"Kung makakaya nyo Ms. Monares. Make the devils turn into angels."

"Ay grabe sya oh. Si Sir naman. Pwede po bang yung tama lang na makapasa sila sa GMRC?"

Tinitigan lang ako ng matagal ni Dean Soo. Napalunok naman ako. T_T

"Hihihihi! Sabi ko nga po. Gawin silang mga ganun. Excited na nga po ako Sir! Hihihihi."

Ito naman si Sir di mabiro.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko lalo na si Manilyn at Adelyn na napapahagikhik sa inasal ko sa walang atang emosyong Dean namin. Habang napapailing na lang si Divina.

"So tomorrow prepare your things and you will meet the S.A. Good luck. Make your clans proud young ladies."

Dean said and gestured his hand to the door.

We all headed to the door carrying our stuffs. Parang may kakakaiba sa pagkakasabi nya sa huli nyang sinabi. The way he said the word "clans".
Could it be?

Dean Soo found out who we really are already?...

*******

-Ryumiakira-

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon