(ADELYN'S P.O.V)
"ITO ANG mga jerseys nyo. Your jersey numbers are at the back where your surname is indicated above."
Intramurals have finally come. People are so busy with the sports they are into. Bukas na ang laban namin pero mabuti na lang at hindi kami kasama sa first five na maglalaro. Three days had passed after talking to the evil big brother of Jenny. Hindi namin ito makausap and she's becoming distant--again. We're worried for her especially now that her brother is in the country and co-owns the school.
Matapos makuha ang mga jerseys namin at kausapin ni Coach Manacho, we decided to roam around the school. Hindi na kami pinagpractice for today para paghandaan ang laban bukas. Well, sila lang naman ang maglalaro.
We decided to go to our room first where we left Jenny. Hindi kasi ito lumalabas these past two days. She's just lying on her bed.
Napakasama talaga ng Juno na yun. Bakit pa ba sya nagpakita? Hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat at kung bakit nandito sya.
We're walking on the hallway carrying Jenny's jersey as well. Kami na ang kumuha nito para sa kanya. We hope we can at least liven up her mood with this. Nasa likod naman namin sina Man at Vine na kausap sina Drake at Xian.
Nagkataong nakasalubong namin ang dalawa sa gym matapos magpractice ang mga ito. They offered to walk us to our room. Halata namang may gusto ang dalawa sa mga kaibigan namin. Mga manhid lang talaga yata sila eh. Tsk.tsk.
Dahil awkward ang makisabay sa kanila sa paglalakad, nauna na lang kami ni Nica.
We're about to turn on the right side of the hallway when we ALMOST bump to a group of people. Nagulat lang kami ni Nica dahil pareho kaming magkatabi habang naglalakad at hawak hawak ang mga jersey at gamit namin.
Mas lalo pa kaming nagulat ng makita namin ang kumpletong ACES.
"Woah."
Parang naging automatic naman ang mga mata ni Nics at sinamaan ng tingin si Skyler. Sa harapan ko naman ay ang nagbabalik na si Ryu.
We just decided na umiba ng daan pero nakaharang naman sila. Kapag pupunta kami sa right side o left side ganun din ang dalawa.
We both heaved a sigh while Nica pointed her finger to Skyler.
"Ikaw ha! Namumuro kana! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo noong nakaraang araw ha. Tabi nga dyan!"
"Ayaw. Teka, ano yang mga hawak nyo?"
"Pagkain."
Pamimilosopo sa kanya ng kaibigan ko.
"Obvious ba? Syempre, jerseys."
Nakahalukipkip naman na tinignan sya nito.
"Alam ko. Ang ibig kong sabihin para saan ang mga yan? Maglalaro ka? Ikaw, maglalaro ng basketball?"
"Oo! Bakit ba? Pakialam mo?!"
"Sa liit mong yan, may gana ka pa talagang sumali sa sport na puros balyahan? Gusto mong bago matapos ang game kasing liit mo na si Dagul?"
"Aba't! Antipatiko ka talagang kumag ka!"
At pinagpapalo nya si Skyler na todo iwas naman sa kanya.
"Sasali ka talaga sa basketball?"
Ryu asked me. Hindi ko sya matignan so I just averted my gaze sa iba. Tumango na lang ako sa tanong nya.
Then all of a sudden, dumating ang apat na tila nag uusap usap. Napahinto naman sila when they saw why we stopped.
Just like the typical thing that they usually do, the two members of RAVENS glared at the first sight of ACES. The same goes with the latter group.
BINABASA MO ANG
Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionGirls who only wish to live in a normal life but will be challenged to do a task. Make the devils turn into angels. Interesting? No. When they have to hide the secret of who they really are. They're not the typical girls who make simple things. The...