Chapter 61

3.1K 55 0
                                    

AN: Malapit na. :-)

******

"SHE'S BACK."

"I thought they broke up. Nagkabalikan na ba sila?!"

"Beats me. Look, Rachel is with Skyler. Baka nga nagkabalikan na sila."

Yan ang mga narinig ko habang hindi ko naman alam kung ano ba ang gagawin ko. Kung kanina, may energy pa ako na tumakbo, ngayon para namang tinakasan ako ng lakas ng loob.

"Ok ka lang ba Nica?"

"O-oo n-naman 'noh! Ang ganda ko kaya!"

Napakunot noo naman si Rosie sa sinagot ko sa kanya. Alam ko, ang layo ng sagot ko sa kanya.

"Baliw."

We looked for the person who said that and Voughn's poker face greeted us. Naglalakad sya at mukhang dadaan lang sya sa amin pero nakuha pa nyang magkomento. Iba din ang lalakeng 'to eh. Makakalagpas na sana sya ng hinablot ko sya sa manggas ng uniform nya.

Aburidong tinignan naman nya ako.

"Saan ka pupunta?"

His eyebrows arched for what I asked.

"You're not my mom."

Anak ng tinapay talaga 'tong si Voughn!

"I know! What I mean is, pasabay ako! Ayokong dumaan dyan ng mag isa!"

"What am I, a car?"

Poker face pa rin nyang tanong sakin.

"Sige na. Dumito kana lang muna. Kunwari friendship ka namin. Kunwari we're talking. Girls' stuffs."

I heard Rosie chuckled at ng mapansin nyang tinapunan sya ng tingin ni Marquez ay agad syang nagseryoso.

"Catherine, I've been looking for you. Nandito ka lang pala."

Naloko na. Nakalapit na sa amin ang grupo nila at halos napalunok ako. Ayoko ng ganitong senaryo. Nakakabawas ganda. T__T

Rosie looked behind her and faced her friend. Ang alam ko kaibigang matalik nya ito eh. Pero bakit kaya mukhang hindi masaya si Rosie? Dahil kaya kasama nito ang ACES?

"I still have a lot of things to do. Isa pa, nandyan naman na si Skyler. I'm pretty sure, hindi ka na mag iisa dito sa paglibot sa wing."

"Yeah. My Skyler is being a gentleman. He's been taking care of me just like old times."

She said while glancing at me. Ok? What was that?

"Sky. Should we go outside babe?"

Pero ng tignan naman namin si Fontanilla ay para itong tuod na nastroke habang may tinititigan. Nang sundan ko ito ng tingin ay nakatingin pala sya sa manggas ni Voughn na hawak hawak ko pa rin. Aalisin ko na sana ng bigla na lang pigilan ni Voughn ang kamay ko at hablutin ito.

Para naman syang walang pakialam sa mga taong nasa harapan namin at bigla na lang lumingon sa'kin.

"Let's go."

Sa hindi naman malamang dahilan ay bigla na lang ako tumalima at nagpaanod na lang sa panghahablot sakin ni Voughn. I also noticed how Madrigal and Han displayed a shock expression on their faces samantalang katulad ng kasama ko, ay walang pakialam lang na nakapamulsa itong si Lawrence na animo bored na nanonood lang.

Pero ang hindi ko inaasahan ng bigla na lang may pumigil sa isa ko pang kamay ng dadaan na sana kami sa kanila. When I looked behind for the cause, a hand holding mine made my heart skipped at halos lumaki ang mata ko ng makita kung sino ang nagmamay ari nito.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon