(JENNY'S P.O.V)
"TELL me. Alam ko baliw na yang babaeng yan mga bata pa lang tayo, pero bakit mas lalo yata syang nabaliw ngayon?"
"Ewan. Nakabili lang ng full series ng Harry Potter, pag uwi ganyan na yan eh."
"Nics, masarap ba ang carbonara?"
Tumango tango naman ito kaya nagtinginan kami ni Ads.
"Uy, HABSS! Sino kumuha sa inyo ng fountain pen ko? Dito ko lang yun pinatong sa mesa eh!"
Tinuro naman kaagad namin kay Manilyn si Nica sa sinabi nya.
"Samantha Lockheart!!!!!!!"
Lagot. Tinawag na sa totoong pangalan. Napatalon naman sa gulat ang kaibigan namin na kanina pa tulala at akala mo ay may sariling mundo. Paano ba naman kasi, kumakain ng carbonara ang gamit na tinidor ay yung fountain pen ni Manilyn na nakapatong sa mesa!
Nadatnan na lang namin sya na tulala habang kinakain yung iniwan naming snack para sa kanya. Tsk.tsk.
"Bakit?"
Tugon nito.
"Friend, yung fountain pen ko."
Mukhang natauhan naman ni Nics at halos lumaki ang mata ng makita ang hawak hawak nya.
"Pwe! Kaya pala parang lasang tinta at hindi ko makuha kuha yung pagkain!"
"Ayan kasi. Kumakain ng bangag."
Napailing naman kaming tatlo at napabuntong hininga na lang.
"Oo nga pala. Hinahanap ka kanina nung Voughn."
"Voughn? Voughn Marquez? Aba bakit daw?! Wala akong ginagawa sa kanya ha."
"Bakit may sinabi ba kami?"
"Oo nga. Tsaka, kahit nga kami nagulat na lang na hinanap ka eh."
"Ano naman kaya ang kailangan ng lalakeng yun?"
Naalala ko namang nung nagvibrate ang phone ko kanina only to see an unknown number.
[I'll fetch you on saturday. Glad you didn't say no.-Sean.]
Tinignan ko pa ng ilang beses ang phone ko at hindi makapaniwala sa text na natanggap ko kanina. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. I took out my phone again but I didn't still open it.
"Asan na pala si Vine?"
"Ha? Ewan. Baka andun lang sa kwarto nya."
"Ayan na kaya sya oh."
Bumababa na nga ang kaibigan namin na pansin ko ay ilang araw na ring nagkukulong sa kwarto nya. Ibinalik ko muna sa bulsa ko ang phone ko at baka makita ng mga kaibigan ko, Alaskahin pa ako.
"Samantha, I need to talk to you privately. Follow me in the study room."
She stated that made us stunned for a while. Nakita ko naman kung paano napalunok si Nica dahil sa seryosong pagkakasaad ni Vine. Habang litong lito naman kami kung bakit sya gustong makausap nito. Tumalima na ito at sinundan si Vine.
"Tinawag nya syang Samantha."
"Galit ba sya o nagtatampo kay Nica?"
"Ewan. I don't remember na nag away o nagkagalit sila kahit kailan."
Tama si Adelyn. Kahit kailan hindi nag away si Vine at Nica. Nagtatampuhan, oo. Pero hindi pa namin sila nakitang nagkagalit. Base sa tono ng boses ni Vine, it's full of seriousness and authority. Ano kaya ang problema?
BINABASA MO ANG
Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionGirls who only wish to live in a normal life but will be challenged to do a task. Make the devils turn into angels. Interesting? No. When they have to hide the secret of who they really are. They're not the typical girls who make simple things. The...