BAGO kami makarating sa eskwelahan, bumuhos ang malakas na ulan. Medyo basa tuloy kami ni Jenny. Hindi kami nakapagdala ng payong man lang dahil sa pagmamadali naming umalis kanina ng tumawag si Butler Alfred.
Pagdating namin, nasa couch ang tatlo at tila may pinag uusapang importante.
I saw the files Dean Soo gave to Divina na nakabuklat sa isang tabi."Thank God! You're finally here!"
"Basa kayong dalawa. Maligo na muna kayo. We'll discuss something afterwards."
Sinunod namin ang sinabi nila at naligo na. Hindi ko maiwasang hindi mangamba habang iniisip kung paano itatago sa kanila ang bagay na 'to. We're not even good at keeping secrets. Hay, bahala na nga. Jenny told me to keep it a secret for now so we can at least still live normally, not minding that we need to face a big problem afterwards.
Nang matapos ay halos sabay din kaming lumabas ng banyo ni Jen.
"Ok, tomorrow pupunta tayo sa foundation. Bibisita tayo doon at kasama natin ang siyam na yun."
Divina informed us while standing in front of us.
"Teka, hindi pa natin nasasabi sa kanila. Paano naman yun? Sasama kaya sila?"
"Yes. They will."
"How can you be so sure of that Vine?"
"Well, some people will make sure of it."
Then she gave us a victorious smile. The kind of smile she usually gives when she has something in mind. But the question is, what could it be?
WHEN Divina told us that some people will make sure of it, hindi ko naman inaakala na ang mga magulang pala ng siyam ang gumawa ng paraan. Sa harap namin ay ang siyam na lalake na masama ang tingin sa amin habang nakatali ang mga kamay at dinala ng tig aapat na bodyguards bawat isa.
Nagulat na lang kami dahil nandito na kami sa gate ng foundation at pinatawag kami ng guard dahil may pinadeliver sa amin. Akala namin kung ano, sila lang pala.
"Ate Sam bakit po sila nakatali? Bad guys po ba sila?"
Tanong ng batang si Lea kay Nica.
"Tsaka may bantay pa po silang mga malalaking ma'ma. Bakit po tatakas po ba sila ate?"
Yan ang mga sabay sabay na tanong ng mga batang kasama namin ngayon.
Umupo naman ako para pantay kami ng batang si Macoy.
"Hindi sila masasama. Nandito sila para makipaglaro sa inyo."
"Talaga po?"
"Hmmm."
Tango ko sa kanya habang nakangiti. Nandito kami ngayon sa Little Hearts Foundation. Ito ang tumutulong sa mga batang may mga sakit sa puso. Ang ilan pa nga sa kanila ay ulila na kaya naman dito na sila namamalagi at inaalagaan.
Malapit ito sa puso naming lima dahil na rin sa matagal na kaming sponsors ng mga bata dito. Hindi lang namin pinapaalam sa iba. Tanging ang head lang ang nakakaalam ng bagay na yun. Kaya ang alam ng karamihan, volunteers lang kami.
"Mga bata, sumama muna kayo kila Nanay Belle ha. Mamaya, makikipaglaro kami sa inyo. Kakausapin lang namin sila ha."
"Opo!"
Sagot ng mga bata kay Divina.
Umalis na sila at hinarap naman na namin ang siyam.
"Pwede ba pakawalan nyo na kami?"
BINABASA MO ANG
Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionGirls who only wish to live in a normal life but will be challenged to do a task. Make the devils turn into angels. Interesting? No. When they have to hide the secret of who they really are. They're not the typical girls who make simple things. The...