Chapter 9

4.9K 87 2
                                    

FROM that day on, I don't know but weirder things happened. Weirder but better. I mean no more bullies and people trying to hurt us or make our stay harder than it already is.
This time sisimulan na namin ang first step sa task na ibinigay sa amin. That's why we came here at Head Master's office para kunin ang permiso nya ng sa ganun matulungan nya rin kami.

"Sigurado ba kayo sa bagay na 'to?"

Nagkatiniginan naman kaming lima sa sinabi ni HM Ryian.

"Opo Sir. Bakit po? May problema po ba sa proposal namin?"

Jenny asked in a worried voice.

"Well, wala naman. It's just that.. To be honest they haven't done this kind of stuff yet. As far as I know ha. Meron naman kasing mga charitable institutions at foundations ang mga kompanya ng kanilang mga pamilya."

I can hear a little bit of wavering in his voice. Na tila hindi magiging posible ang proposal namin.

"Pero never pa naman yata nilang nasubukan Sir ang pumunta mismo sa mga taong nangangailangan ng tulong hindi ba? Gaya nitong proposal naming feeding program at medical mission."

Segunda ni Adelyn dito.

"As far as I know, yeah they haven't done it personally."

"Then, Head Master Ry, maybe it would make them realize how lucky they are and make them kinder if we'll let them do this."

We nodded in agreement for what Manilyn said. We looked at Head Master with hopeful eyes hoping he would make this possible.

"Siguro nga...ok. I'll sign this. I'll inform the professors to announce this in the class. I'll also see to it that you'll have everything you need for this."

"Thank you Head Master!"

We chorused. Nakihigh five pa sa'min si Nica and when she's about to do the same at Head Master's direction, ay tila natigil ang kamay nya sa ere. She just realized what she's about to do kaya naman ang tanging nagawa na lang nya ay ikuyom ang palad at tila parang pusa na pabalik balik na inistretch ito.

Yung parang sa mga tindahan na nakikita usually sa mga Chinese shops? Yung pusang walang kapaguran sa pag taas-baba ng kamay nya? Basta yun na yun.

And with that he smiled that almost made us feel giddy. Most especially Nica. This guy is a combination of handsome and cute. I'll admit he's the type of guy any girl would definitely fall in love with. He's also young, intelligent, career oriented, handsome and nice. He's older to us by just 5 years. Kaya hindi ko masisi ang kaibigan ko kung babakuran nya ang Head Master na ito.
We bid goodbye now to him and headed to our room where we're staying.

"Gusto ko sana na matuloy ang project na 'to."

"Ako din Nica. Namimiss ko na yung mga bata sa foundation."

"Oo nga. Pati na din yung sila lolo at lola na naghahatid sa atin ng ulam noon sa apartment."

"Hahaha. Yeah! Remember nyo ba noong unang lipat pa lang tayo? Halos muntik din masunog ang bahay sa atin ng subukan nating magluto."

"Si Man nga puros talsik ng mantika ang inabot ng subukang magprito eh."

"Oo! Natatandaan ko pa yun! Ang pula pula nga ng sa bandang dibdib ko dahil umabot hanggang dun ang talsik."

"Eh mas lalo naman si Divina!"

"Nang nagluto sya balot na balot ng tuwalya, may gloves at eyeglasses pa! Eh, magpiprito lang naman ng isda."

Sabay sabay naman silang apat na tinignan ako at tumawa ng malakas. Sumimangot na lang ako bilang tugon sa sinabi ni Nica. Wala talaga akong future sa pagluluto. -_-

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon