Chapter 13

4.4K 74 0
                                    

(ADELYN'S P.O.V)

"NICA, anong ginagawa mo?"

Ang babaeng 'to weirdo na nga, mas lalo pang nagpapakaweirdo. Bakit?
Eh kumuha lang naman ng fake brace at naglagay ng malaking mole sa mukha nya. Natuluyan na yata. -_-

"Kailangan kong magdisguise."

"Bakit naman?"

Nilingon nya ako at tila nalilitong tumingin sa akin.

"Hindi ka ba nakinig sa kuwento ko kagabi?"

"Ha? Tulog na yata ako nun."

Bumuntong hininga na lamang ito sa sinabi ko.

"Ano tara na?"

Pagyayaya ni Vine na andun na sa pintuan.

We all took our bags at lumabas na ng kuwarto namin.

"Ano ka ba Nica? Magugusot na ang uniform ko sa higpit ng kapit mo eh!"

Reklamo ko dahil kanina pa sya parang tuko kung makakapit sa akin. Panay din ang lingon nya. Mukha syang may pinagtataguan sa itsura nya ngayon.

"Eh, hayaan mo na. Paplantsahin ko na lang mamaya, ha? Kekeke."

Nauna na sina Manilyn at Jenny sa classrooms nila kaya heto at kaming tatlo na lang ang naglakad papunta sa room namin.

Papasok na sana kami ng mamataan namin si Head Master Ryian na mukhang papunta sa gawi namin.

"Head Master."

We said and bowed to him.

"Ladies. It's good to see you again."

At isang ngiti na naman ang nagmula sa kanya.

Naramdaman ko namang mas humigpit pa yata sa braso ko ang isang kamay na nakalimutan kong nakakapit sa akin kanina pa.

"Ahm, Ms. Monares. Anong nangyari sa mukha mo?"

Hindi naman sumagot ang isang 'to at walang pakundangang tinitigan lang si Head Master.

Ako na lang ang sumagot para dito.

"Ah kasi Sir, mahilig talaga po na mag eksperimento si Nica kaya ayan. Nagtry lang po sya kun bagay daw ba sa kanyang magbrace at magmole. Hehehe."

I gave him an awkward smile. Feeling ko nagmukha akong tanga sa ginawa ko.
-_-

"Anyway Head Master bakit po pala kayo nandito?"

Tanong ni Divina sa kanya para maiba na lang ang usapan.

"Ah, yeah. Approved na kasi yung proposal ninyo. Kailangan ko lang makausap sandali ang Prof nyo dito."

"Talaga po Sir?"

"Yes. So masisimulan na ninyo yun."

"Ah baka nandiyan na po sa loob si Sir Cabug. Mauna na po kayo Head Master."

But Head Master's phone rang and he checked the caller first before turning to us.

"It's ok Ms. Cervantes. The three of you go first. I'll just answer this call."

Then he pushed the door for us.

"Isn't he a gentleman?"

Nica whispered to me when we're finally inside the room. We bowed to Prof Jeric who's sitting to his desk and started walking to our seats. Halos andito na rin ang lahat ng mga kaklase namin.

"Oh. Nabuhay ka."

"Hmph. Ayoko lang magsalita. Nakakahiya na hitsura ko baka mapahiya pa ako kapag nautal ako sa harapan nya."

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon