Chapter 38

3.5K 72 3
                                    

AN: I'm really sorry for the late update. Sa totoo lang last week pa dapat ako mag uupdate kaso hindi natutuloy for some reasons. Anyway for you not to be sad, the picture above is no other than Skyler James Fontanilla! Ang gwapo nga nya! My goodness!!! :) hahaha.

K. I'm out now. Let's all dream of him na lang sa lala land. Hahaha.

*******

(NICA'S P.O.V)

THE TIRING trainings we underwent with Rosie made us numb. My muscles in both arms and legs felt sore. Madaling araw pa lang, pinapunta na nya kami sa outdoor court. Mabuti na lang at may automatic lights kaya hindi kami nahirapan. Moreover there are also a lot of students na nag eexercise at nag jojogging kaming nakikita everytime na nagpapractice kami, kaya hindi masyadong nakakatakot.

Sadista at istrikta pala ang isang yun! Huhuhu. T___T small but terrible. Kay liit liit na babae tulad ko nakakatakot. She's worse than Vine. That's a fact.

Tuwing matatapos ang practice namin, nagsho-shower lang kami saglit at dali daling pumapasok sa classroom. Kahit basa pa ang mga buhok at ni hindi pa nakapag ayos, pumapasok na agad kami. This routine lasted for a week dahil sa pag resched ng try out sa department namin.

Nakapanghalumbaba ako ngayon habang iniinda ang sakit ng katawan ko ng bigla na lang may naramdaman akong bumato ng crumpled paper sa likod ko.

I don't know if the tiredness got the best out of me or I'm just too kind right now to punch the devil on my back. Alam ko naman na trip ng unggoy na yan na lagi akong asarin eh. -_-

"You look bushed. Para kang lantang gulay. Anong ginawa mo Amazona?"

I didn't answer him. Bahala sya sa buhay nya.

"Hoy. I'm talking to you!"

Pakialam ko sayo. Sa isip ko na lang papatayin ang kumag na tulad mo. -_-

Kahit sila Adelyn at Vine pagod na pagod. Vine is closing her eyes habang nakapatong ang elbow nya sa mesa and her arms are covering her mouth and nose. Anyone who'll see her would think she's thinking something deep but I know she's sleeping already. Si Ads naman sa isang tingin akala mo puspusan ang pagbabasa sa hawak na libro pero ginamit lang pala nyang pang cover ito. Because at the moment, she's sleeping as well.

Kinusot ko ang dalawa kong magagandang mata at napahikab. I'm really sleepy that I yawned twice.

"Kadiri. Dagdag sa air pollution."

Nilingon ko na ng tuluyan ang mongoloid na 'to and glared to him in every possible way I could muster. But my sleepiness is too hard to ignore that made me yawn again---- in front of him.

"Ugh! Kadiri ka! At least cover your mouth if you'll do that!"

"Arte nito. *yawn* kung hindi lang talaga ako inaantok ngayon, bibigwasan talaga kita dyan, eh. *yawn*"

Sabay kusot ko ulit sa mga mata ko na nunubig na sa bawat gilid nito. Matapos nun ay inirapan ko na lang sya at bumalik sa pangangalumbaba.

Ang boring ng buhay. Pero mas boring ang pagmumukha ni Fontanilla. Sya, si Madrigal at Xander lang ang mga pumasok ngayon dahil suspended for three days sina Lawrence at Lee.

Yun ang naging kaparusahan nila. Malala naman kasi ang inabot nung mga binugbog nila eh. Kung tutuusin, okay naman pala ang mga yun. For almost a month already of taking them to the foundations, medyo matagal na naming napapansin sa kanila na hindi naman sila talaga ganun kalala.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon