Chapter 53

3.2K 59 0
                                    

(ADELYN'S P.O.V)

"NASAAN na ba yun?! Kanina pa ako dito naghihintay, uugatan na yata ako dito eh!"

People are now looking at me differently. May mali ba sa suot ko? I'm wearing black tank top, ripped jeans and white sneakers embroidered with flowers on it. Nandito ako ngayon sa airport where my Mom told me to fetch someone important. Hindi naman sinabi sakin kung sino. Hay.

Sa bahay naming mga HABSS kami ngayon tumutuloy. Lumabas na muna kami ng wing para makalanghap ng "sariwang hangin". For the past days, halos maging flower shop at pastry shop na kasi ang kuwarto namin sa wing. Bumaha ng mga regalo mula sa leader ng ACES at dalawang myembro ng RAVENS na sina Drake at Xian. Simula ng umalis kami sa mansyon ng mga Lee ay hindi ko na tinangka pang kausapin o lapitan man lang si Ryu. Kinakabahan talaga kasi ako kapag malapit ang lalakeng yun. Lalo na kapag bigla bigla na lang nanghahawak ng kamay. Di naman nya alam na halos magwala ang puso ko sa sobrang kaba kapag ginawagawa nya yun. Knowing Ryu, na hindi naman palasalita magugulat ka na lang kapag may ginawa syang nakakabigla.

I tried calling my mom pero hindi sya sumasagot so I decided to text her instead.

"Adelyn? Is that you?"

I was surprised when the moment I looked up, a tall guy wearing a black shade was already in front of me. May dala syang maleta and he looks somehow familiar to me.

"I'm sorry but do I know you?"

Mag eenglish na ako malay mo kasi foreigner. Base sa porma nya he seems to be handsome. Tall, dark and handsome.

He chuckled and took off his shade. Muntik ko namang mabitawan ang phone ko ng maaalala ko kung sino ang kaharap ko.

"Jake..."

"I thought nakalimutan mo na ako. It's been a long time. You look really great!"

Jake Villacorta. The guy I liked and thought who cared for me. Ang unang lalakeng unang nanligaw sa isang Ashford na tulad ko.

"What are you doing here? Are you with someone?"

Ang kapal ng mukha nya. This guy made me special that I thought, he really cared for me but the truth was, he knew who I am. Nanligaw sya dahil nalaman nya na malaki ang mapapala nya sa isang tagapagmanang tulad ko.

"Babe! Who are you talking to? I've been looking for you."

A girl in a sultry dress na kapit na kapit sa katawan nya ang bigla na lang sumulpot at umangkla sa braso ni Jake. She's also showing her cleavage na akala mo ay luluwa na. Kung pwede lang yatang ipagsigawan na kulang na lang maghubad na ito dahil mukhang ibinabalandra na nya ang kaluluwa nya. Mga walanghiya!

"I just saw someone I know."

"Who is this girl babe?"

"Ah, she's Mikaela Adelyn. She's... A friend."

Friend mong mukha mo!

"Oh Mikaela Adelyn? You mean she's that Ashford girl you told me before?She looks... Just fine."

The girl said habang hinahagod ako ng tingin. Tinignan ko naman ng masama si Jake sa sinabi ng girlfriend nyang walang class. Don't tell me, kinukuwento nya pa ako sa mga kaibigan nya hanggang ngayon?

He's still bragging how he made an Ashford fall for him?! The jerk! Kalma lang Ads. Alalahanin mong nasa public place ka.

"Actually I'm not "just fine." I'm absolutely great. I'm a woman who can capture any man's heart without even dressing like a prostitute in the middle of a hot day."

And laglag panga si ateng mukhang endorser ng silicone. Tss.

"What are you implying by that?"

"Oh, nothing. Matatalinong tao lang ang mabilis makacatch up sa sinabi ko."

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon