Chapter 30

3.6K 69 1
                                    

FOR Almost a month naging routine na namin ang magpunta sa Little Hearts at iba pang foundations kasama ang dalawang grupo. Sa una, pahirapan pa talaga ang pagsama sa kanila pero ang ilan katulad na lamang ng magpinsang Lee, si Lawrence at Spencer ay kusa ng sumasama sa pagbisita at pagbibigay tulong sa mga bata.

Nagulat pa nga ako ng tuwang tuwang ibinalita ni Nanay Belle na may unknown donors raw ang nagbigay ng malaking halaga sa foundation. Hindi ko lang alam, kung tama ang hinala ko pero malakas ang kutob ko na ilan sa kanila ang nagdonate nito.

Kaya lang, hindi pa rin naiiwasan na magbangayan ang ACES at RAVENS. Nagpaparinigan pa rin ang dalawang grupo at masuwerte na kapag hindi umaabot sa suntukan ang mga ito.

Mukhang malaki talaga ang alitan nila pero ang tanong, what could it be? Ano nga ba ang dahilan at tila malaki ang alitan sa pagitan nila?

Nandito kami ngayon sa classroom sa isang major subject kung saan ang prof namin ay si Sir Kennard Rapsing. Moments later, he announced something.

"Class, malapit na ang taunang Intramurals ng S.A wing. Sports events, and battle of the bands are being held during this time. For the past years, laging nasa huling rank ang Teacher Education Department kumpara sa iba pang departamento. This year, I hope na ang ilan sa inyo ay magiging aktibo at sasali sa mga events para masungkit natin ang Championship."

Hay, mukhang malabo ang sinasabi ni Sir. Eh, sa aming third year pa nga lang, maliit lang talaga ang bilang ng mga estudyante. Ang Business Management ang may pinakamaraming estudyante dito sa S.A wing. Kung siguro nasa regular wing kami, may posibilidad pa dahil marami rami doon ang kumukuha ng kursong Education.

A little later, we were finally dismissed. We all took our stuffs and headed to the elevator.

"Uy, HABSS may naisip na ba kayong sasalihang sport?"

Nica asked.

"Table tennis."

"Badminton."

"Volleyball."

Mabuti pa 'tong tatlo, may naisip at balak ng salihan.

"Eh ikaw Vine?"

"Hmm.. Sa palakpak at cheering brigade na lang siguro ako."

"Hahaha. Hindi pwede yan Vine. Mukhang ipaparequired yan nina Sir Joseph and Sir Ken."

"Ha? Nasaan na ang free will dun? And aren't we in a Democratic country?"

"Sus. Tigilan mo nga kami dyan bunso. Sumali ka at hindi lang pagbabasa yang inaatupag mo!"

"Oo nga! Last night nga, tinapos nya yung dalawa sa Danielle Steel Collection nya. No wonder, kailangan nya talaga ng salamin."

Ano namang magagawa ko kung hindi talaga ako sporty type na tao? Eh, last time na sumali ako sa sports, elementary pa. Ni hindi pa nga ako nanalo eh. -_-

Nag uusap usap pa rin kami kung paano paghahandaan ang Intramurals ng biglang huminto ang elevator at bumukas ito. Standing in front of us are the shocked faces of RAVENS.























(NICA'S P.O.V)

SA HARAPAN namin ay ang gulat na mga RAVENS. Mukhang hindi nila inaasahang makita kami ngayong araw. Si Xian ang unang nakabawi at agad agad na pumasok at tumabi kay Vine. Ako, nakakahalata na talaga. Ang lalakeng 'to may something eh. Oo guwapo sya pero may kakaiba sa kanya.

Nakikipagkuwentuhan naman sila sa amin katulad na lang nitong si Drake Han na mukhang si Manilyn lang ang nakikita. Ang lapad ng ngiti ni koya! Kita ang dimples. Tsk. Si Jenny naman ito, having a little hi and small conversation with Sean Lee. Pansin ko din sa isang 'to, kay Jenny lang most of the time nakikipag usap. Itong mga RAVENS na 'to galawang hokage din eh. Hmph. Kutusan ko ang mga 'to eh. -_-

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon