Chapter 22

3.8K 67 0
                                    

"PARANG sumikip yata bigla."

"Hayaan mo na. Tapusin na lang natin agad 'to ng makaalis na tayo."

Nagmadali naman kaming lima na ubusin ang mga inorder namin. Sa kabilang mesa ay nandoon ang mga lalakeng sa hinagap ay hindi ko aakalaing makikita ko sa ganitong mga lugar. Matapos kasi namin silang makita ay pumasok ang mga ito sa cafe at nagkanya kanyang upo at order din ng pagkain.

Magkahiwalay lang ang dalawang grupo ng lamesa. Ang akala ko pa naman nagkaayos na sila. Sabay kasi silang nagawi dito at para sa mga anak mayayaman, nakakapagtaka naman yatang mapadpad sila sa lugar na 'to.

"Wala naman dito yung mga leader ng dalawang grupo eh. Yung Kaiser at Xian."

"Actually nakita ko silang dalawa kanina. Yung Kaiser, nakita ko na unang napadaan, sumunod yung Xian tapos ang mga yan."

"Pigilan nyo ako HABSS. Nandito ang lalakeng pinaglihi sa unggoy kapag hindi ako makapagpigil, uupakan ko yan!"

"Shh... Kalma ka lang Nics. Ok?"

"Ang walang hiya panay kasi ang ngisi eh. Mamaya talaga ihahack ko ang account nyan sa fb para magtanda."

"Ang tanong, marunong ka ba?"

Tumingin naman sya sa akin at tila nag isip.

"Hindi."

See? Napaface palm naman kami sa sinabi nya. Baliw talaga.

"Tara na."

Tumayo na kami at umalis sa cafe matapos magbayad. Hindi pa nga kami pinapansin nung nasa counter dahil panay sulyap sa mga lalakeng yun.

Kung hindi pa nilapag ni Divina ng malakas ang bayad baka hanggang ngayon nakatunganga pa rin kami dun.

"Uuwi na ba tayo?"

"Punta muna tayo sa park."

"Ah oo nga no? Hindi na tayo nakakapunta dun."

"Pero wait lang, diretso na muna tayo sa grocery store dyan sa kabilang kanto. May mga bibilhin pa ako eh."

"Ok, Vine."

Nagsimula na kaming maglakad. Medyo dumidilim na rin dahil palubog na ang araw. May mga street lights at nagroronda naman tuwing gabi kaya hindi kami masyadong nababahala.

"Alam nyo, hindi ko alam kung pansin nyo pero pamilyar sa akin ang mga yun."

"What do you mean by that Man?"

"The ACES and RAVENS. I think, we've met them before. I mean some of them."

"Huh? I don't think so."

"Oo nga. Tsaka, I don't quite remember having guy friends aside from Jaypee and Blake."

"Me too."

"Ikaw Vine, do you remember meeting one of them before?"

"Ha?"

"You're spacing out again."

"I'm asking you if you've met them before?"

"H-hindi ko alam. One of them reminds me of someone though."




















PABALIK na kami sa bahay namin matapos bumili sa grocery at kunin ang request na custard cake ni Nica sa bakery nila lolo Ric. Aanyahan pa sana kaming magdinner ng mag asawa sa kanila pero tumanggi na kami dahil maaga pa kaming bibisita sa foundation bukas.

Pumasok na kami sa gate pero biglang huminto sina Jenny at Manilyn.

"Bakit? What's wrong?"

I asked them.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon