Chapter 17

4.2K 74 5
                                    

(JENNY'S P.O.V)

MONDAY na! Excited na kaming pumunta sa site kung saan sisimulan na namin ang feeding at medical mission! Nandito na kaming lahat at pumipila sa pag akyat sa bus. Yeah bus dahil hindi pinayagan ni Head Master na dalhin ng mga estudyante ang kanilang mga sasakyan papunta sa site. Mahirap raw kasi kapag nagkataon. Mahirap daw bantayan ang lahat kung hiwahiwalay. Kaya naman 5 buses ang narito ngayon sa WING premise at nagsasakay ng mga estudyante.

"Ang tagal ni Nica! Nasaan na ba yun?"

"Sabi nya may hihingin lang daw sya sa mga chefs sa cafeteria."

"Uy!!!!!! HABSS!!!!!!!!!"

Napatingin naman kami sa kaibigan namin na mabilis na tumatakbo sa direksyon namin. Dahil sa pagsigaw nya, pinagtitinginan tuloy kami ng iba pa.

"H-ha! Nakakahingal t-talagang t-tumakbo. Phew!"

"Hindi ka naman iiwanan nitong bus. Baliw ka ba?"

"Tama. Tumakbo ka pa talaga! Kapag ikaw napano naku! Kukutusan talaga kita!"

"Hihihihihi."

Ang babaeng to nakuha pang magpacute.

"Mabuti pa talaga ang bus marunong maghintay, sya kaya maghihintay rin kaya sya sa'kin?"

Sabay sabay naming tinalikuran si Nica and we all went to the bus at inignora na lamang ang paghugot ng kaibigan namin. Kinikilabutan ako sa kanya kapag humuhugot with that dreamy look in her face.

"Tabi kami ni Man ha!"

Rinig kong sigaw ni Nica sa likod. Dahil nauna kaming umakyat at iniwan sya.

"Hoy, babae ang ingay mo."

"Pakialam mo ba?"

"Isn't that Fontanilla?"

"Kay liit mong babae ang lakas ng boses mo."

"Aba't!"

Dahil sa kakalingon naming tatlo kila Nica at Fontanilla, hindi sinsadyang may nakabangga ako. Kaya naman sila Manilyn at Adelyn na nasa likod ko ay nagkabanggaan din.

"Ay, sorry po."

Tinignan ko ang nakabangga namin at hindi ko inaasahan na yung lalakeng kaklase namin ni Man pala yun. Yung wagas makatitig with poker face.

"Tumingin kasi kayo sa dinadaanan nyo."

Sabay punta nya sa pinakadulo kung saan naroon ang mga kaibigan nya.

Ang sungit! >____<

"Jenny, ano ba naman yun? Ba't ka biglang tumigil?"-Manilyn

"Aray ko. Napuruhan ata ang noo ko."-Adelyn.

"Sorry guys."

Umupo na kami sa mga bakanteng upuan habang nakita naman naming nagsukatan muna ng tingin si Fontanilla at Nica bago sila umupo.

Nabanggit na sa amin ni Nica kung paano nya nakilala si Skyler Fontanilla. Nung una, hindi pa kami makapaniwala na nasuntok nya ito. Pero nang nakita namin kung paano laging nakabusangot ang mukha ni Nica at kung paano nya tinapos ang dapat ay project nilang dalawa, naniwala na kami na mukhang napuruhan nya nga ito. Kaya naman mukhang gumaganti ito sa kanya.

"Nga pala, si Vine nasaan?"

"Hmm... Sa pagkakaalam ko nandoon pa sya sa labas. Inaasikaso ang mga pagkaing dadalhin."

"About dyan, kaya nga ako humiram ng apron tsaka iba pang utensils sa cafeteria eh. Dahil ako mamaya ang magiging head chef! Mwahaha!"

Napailing na lang kami kay Nica. Sabagay sa aming lima, di mapagkakaila na ito ang pinakamasarap magluto.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon