Chapter 18

3.8K 72 1
                                    

WHEN I was a kid gusto ko ang thrill, action at adventure kaya naman lumaki akong hindi mahilig sa pink o kahit ano mang too girlish stuffs. Sabi nga ng ilan, sa aming lima, I'm kind of one of the boys. Naalala ko pa na sinabi ko noon sa Nanny ko na kung magkakaroon man ako ng ideal guy, yun ay ang mga tipong magaling sa pakikipaglaban at hindi yung mga pacool lang.

Now, I'm seeing that guy in a very different level. Yung lalakeng laging nagsusungit ayun at tinulungan kami kasama ang dalawa pa nyang kaibigan. Matapos makipagsuntukan sa mga yun ay umalis na lamang ang mga ito ng isa sa kanila ay hinawakan ang earpiece sa tenga. Tila may nag utos dito na umalis na lamang sa lugar. Susundan pa sana nila yun ng pigilan namin sila ni Manilyn.

"Ayos ka lang ba?"

Th guy with the eyeglasses asked to Man. He's also the guy I always see watching my friend as if he had seen her before.

"Ok lang ako. Salamat sa pagtulong nyo."

"Sino ba kasi ang mga yun?"

"H-hindi n-namin alam."

"Maybe we should report this to Head Master Ryian."

"NO!"

Man and I chorused.

"Please, huwag nyo na sanang ipapaalam 'to sa iba. Kung pupwede lang."

Pakiusap ko. Nagtataka man hindi na lang sila sumagot pa.

Aalis na sana sila ng nilapitan ko si Sungit at hinawakan ang braso nya.

"Salamat."

Tinitigan nya lang ako at napabuntong hininga.

"We don't usually save damsels in distress but we can't let mysterious men kidnap both of you, either."

"Sean, let's go."

His other friend said and both of them started walking away.

"Pasensya kana kay Sean. Ganun lang talaga yun eh."

"Ok lang."

"Mauna na kami sa inyo."

"Salamat ulit Drake."-Manilyn.

Tumango na lang ito at pinuntahan ang mga kaibigan nya.

"Bumalik na rin tayo Jenny. Baka nag aalala na sila Adelyn sa atin."

"Sasabihin ba natin sa kanila ang nangyari?"

"Hindi ko alam."

Ang mga lalakeng muntik ng kunin si Man, kilala namin sila. Maging ang sasakyang gamit nila nakita ko ang tatak ng family crest na kahit saan ako magpunta kilalang kilala ko.

Ang family Crest nila Divina.





















(DIVINA'S P.O.V)

"DAMIHAN mo naman ang lagay. Nagtitipid ka ba?"

"Huwag naman sobra sobrang dami! Hindi na nila yan mauubos!"

"Nang aasar ka ba?"

Bigla na lang kinuha ni Nica ang sandok sa gilid at ipinukpok yun sa ulo ni Fontanilla na kanina pa sya inuutusan. Our classmates gasped upon seeing what she did.

"What the f*ck!"

"Hoy! Wag na wag kang magmumura dito! May mga bata! At kanina mo pa ako inuutusan ha! Ikaw na lang magsandok. Oh ayan!"

"Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga babae!"

"Eh di, salamat!"

Nica is really feisty. Kapag yan naiinis, hinding hindi yan magpapaapi. Sasabihin nya kung ano ang nasa isip nya kahit siguro ipaalala ko pa sa kanya na ang kaharap nya ngayon ay isang gangster, hindi nya pa rin uurungan si Fontanilla.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon