Chapter 6

5.4K 97 0
                                    

(JENNY'S P.O.V)

NANALANGIN po ako ngayon. Bakit? Dahil sa pagpasok pa lang namin sa unang klase ni Manilyn, there are stares that if only could kill us, baka nakabulagta na kami kanina pa ng pinakilala kami sa harapan. Nanalangin ako na mairaos naming lima ang pananatili dito. Our prof for this class ay si Prof. Van Cedric Silvestre. Crush sya dati ni Nica pero mas nabaliw na ang isang yun kay Head Master simula ng una nya itong makita. I can still remember that day. Geez! Grrr. That girl doesn't know how to be even shy around her crushes.

Anyway, pinaghiwalay kami ni Man (Manilyn) ng upuan. Katabi ko ngayon ang isang babaeng sobrang arte. Kanina pa nag aalcohol simula ng makatabi ako. Aba! Ano akala nya sakin germs? Painom ko sa kanya alcohol nya eh.

Kaasar! Lumalabas talaga ang pagiging mainitin ng ulo ko. This is why I hate brats. Ironic I came from the same league or even higher from them but these people disgust me. Puros kayabangan at pagpapaganda ang alam. Hindi marunong mag appreciate kung gaano sila kaswerte.

Mas kinaiinisan ko pa ang mga lalake dito. Di nakikinig sa prof. Well, opposite naman ang mga babae dahil todo kinig sabay pagpapacute kay Sir. Well, aanhin ang pakikinig kung wala naman yata silang naiintidihan? Aish.

"Mr. Spencer, come infront and please solve this problem."

Tiningnan ko kung sino ang tinawag ni Sir. Tinawag nya kasi ito habang nakayuko at tinitignan sa tablet na hawak hawak nya kanina pa.

"Mr. Spencer? Nasaan si Mr. Xian Charles Spencer?"

"I think he's absent today Sir. His seat is vacant."

Itong katabi ko na isa rin sa mga kanina pa nagpapacute ang sumagot sa tanong ni Sir Ced. Sus. For sure, nagpapansin lang.

"Mr. Han, Mr. Lee at Mr. Marquez nasaan ang kaibigan nyo?"

Hindi ko alam kung sino nag mga tinawag ni Sir kaya tinanong ko sa katabi ko.

"Sino yung mga tinawag nya?"

"Excuse me. Don't talk to me."

Sabay irap at flip ng hair nya.

Aba't! Ang lakas ng loob! Kalma lang Jenny. Kaya mo 'to! Wag kang papatalo. Rule #1. Rule #1.

Pero hindi! Nakakainis talaga! Hahanapin ko talaga mamaya ang chainsaw at lalagariin ko ang buhok ng babaeng 'to! Makik---

"Wala talaga sa inyo ang magsasalita? When someone asks you a question it's only natural that you answer!"

Lagot. Galit na si sir? O_O
(Konsensya: ay hindi Jen. Natutuwa sya. Grabe. Sobrang saya nya oh.)

Tss. Oo nga naman. Bopols ko talaga.

Nakita ko ang isang lalakeng nakaeye glasses na siniko ang katabi nya. Kaya't napilitan itong magsalita. Sa tabi nito ay isa pang lalake na nakapamulsa lang at tahimik.

"We're not Xian's babysitter. Don't ask us where he is. Tss."

He said with a very irritated look. This guy has a light brown hair, nakaloose ang necktie at nakapatong naman sa mesa ang mga paa nya. Ang kumag! Walang respeto sa prof! Aish!

"Tell him to write a letter of why he is absent. Tell him, that without Head Master's signature, hinding hindi ko sya papapasukin sa klase ko. Naiintindihan nyo ba?"

They guy only made a salute to Sir Cedric's exasperated statement. Mukha namang nagtitimpi lang si Sir na hindi pagalitan ang mga ito. Sus. Kung ako maging prof ng mga 'to, hindi yan talaga pwede sakin. Pagugulungin ko yang tatlong yan para magtanda. Yun lang di pa ako teacher kaya sa ngayon ang magagawa ko lang ay mabadtrip sa mga lalakeng ito.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon