THE CLASSES with the S.A are too tiring! Ilang beses din na may nagtangka na patirin o di kaya ay pahiyain kami. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga estudyanteng walang magawa sa mga buhay nila. Hindi nga talaga ako nagkamali ng akala.
Being in here would never be easy. With these students who treat themselves like some princes and princesses who have some attitude problems, kakailanganin kong mag ipon ng maraming pagtitimpi.
Mabuti na lang lunchtime na. Magkakasama sama na ulit kaming lima.
This time, sabay sabay na kaming kakain sa cafeteria o masasabi nga bang cafeteria ang lugar na 'to? The place looks like a restaurant ng isang 5 star hotel. There are also chefs and waiters who make sure that every student gets their food and that they are comfortable. It kind of reminds me of home---minus the people.
Nakaupo kami ngayon ni Man sa isang table just in the corner. Wala masyadong tao, much better. Iniintay na lang namin yung tatlo so we can start eating already.
A couple of minutes they arrived. Pero ba't ganun? Hindi nakacomplete uniform si Adelyn. Well, nakaskirt parin naman sya pero she's now wearing a white shirt. Si Nica naman ano yun? Basa ba ang buhok nya? Divina on the other hand ay makikitaan ng pagtitimpi sa ekspresyon ng mukha nya.
Kinawayan ni Manilyn ang tatlo at ng makita kami ay dirediretso ang lakad nila sa puwesto namin."Anong nangyari sa inyo?"
Pambungad ko sa kanila.
"Welcome present ng mga tao dito."
Divina answered in a cold tone.
"Ha? Anong ginawa nila sa inyo?"
Man asked while wiping a handkerchief to Nica's face.
"Yung mga kaklase naming mga babae, natapunan kanina ng iniinom nilang smoothie si Ads."
Pagkukuwento ni Nica habang patuloy na pinapautuyo ang buhok nya.
"Yung mga lalake naman sa isang klase namin gumawa ng trap sa pintuan para daw sa prof. Isang maliit na timba ng tubig ang nilagay sa itaas pero ang nadali si Nica kaya ayan, basa ang buhok. Mabuti nga lang tubig yung nilagay eh. Ako nga smoothie."
"Anong mabuti doon? Aish! Pustahan tayo sinadya nila yung lahat para sa inyo!"
I exclaimed with annoyance. Sumosobra na talaga ang mga yun!
"Jen, oh ang puso mo. Relax lang girl. Tingnan mo si Divina relax lang nga oh."
Tinignan naman namin sabay sabay si Vine at kasalukuyan nyang tinutupi ang bottled mineral water na dala dala ko kanina pa. Nagbabaon talaga kasi ako nun sa klase. Diretso at masama lang ang tingin nya sa pader na tila hindi napapansin ang mga tinging ipinupukol namin sa kanya. Narinig namin ang pagcrack ng pobreng bottled water sa kamay nya. Sabay sabay pa yata kaming napalunok sa inasta ng kaibigan namin.
"Sabi ko nga, naiinis din si Vine eh."
"Umorder na tayo HABSS. Gutom na talaga ako eh."
"Oo nga Man. Kahit ako din gutom na! Nawalan na yata ng nutrisyon ang utak ko sa klase dito."
Kinuha na namin ang menu ng makarinig kami ng mga yapak at tili naman sa mga taong nandito. Or should I say sa mga babaeng nandito.
Pumasok ang limang lalake na kung makapaglakad akala mo sa kanila ang lugar. Nakapamulsa pa ang mga ito. Masasabi kong malakas ang dating nila lalo na sa mga babaeng di ngayon magkandaugaga na magretouch ng make up o kaya naman ay maglagay ng lipstick. Hay, ang o.a naman.
Napansin ko na biglang tumaas ang kilay ni Vine ng makita nya ang mga ito. Bakit kaya? Agad naman syang nag iwas ng tingin sa mga ito na parang those guys are just nothing to pay attention with. Kaharap ko kasi sya sa upuan eh.
BINABASA MO ANG
Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionGirls who only wish to live in a normal life but will be challenged to do a task. Make the devils turn into angels. Interesting? No. When they have to hide the secret of who they really are. They're not the typical girls who make simple things. The...