(NICA'S P.O.V)
"NICA, dalian mo na dyan pwede?"
"Sandali lang. Ito naglilipstick na nga lang ako oh."
"Isang oras kang nagbabad sa harap ng salamin at di ka pa rin tapos?"
"Ito na nga Ads oh. Nagmamadali na po."
Kasalukuyan kasi kami ngayong naglalakad papunta sa una naming klase. Yung tatlo mga time conscious talaga yan. Samantalang kami ni Manilyn chill lang.
Matapos makapaglipstick habang naglalakad, (magaling ako sa multi-tasking). Tinago ko na yun sa bag at nagmadaling sundan ang HABSS.Nakita na rin namin ang mga estudyante dito. Girls are wearing the same uniforms as ours. Knee length skirt, white blouse with a pink tie and black coat.
Napansin ko, ilan sa mga tao dito kung hindi nakatingin sa amin ng masama, nakakunot naman ang mga noo o di kaya iirapan kami.
Seriuosly what's wrong with them?Ang ilan naman sa mga lalake dito ay kung hindi suplado, mukha namang mga hindi gagawa ng mabuti.
"This is our stop. Jenny and Manilyn magkasama kayo sa kabilang room."
Narinig kong sabi ni Divina habang nakayuko at tinitignan ang sched namin. Meron din ako nyan pero tinatamad akong kunin sa bag ko.
Hehehehe.^_^"Pero akala ko ba, magkaklase tayong lahat sa mga subjects?"
Reklamo ni Manilyn habang hindi nya mapigilang paglaruan ang buhok nya. Mannerism nya yan. A sign na kinakabahan sya. Ayaw nya kasing naghihiwahiwalay kami lalo na sa mga lugar na di pa namin kabisado.
"Minor ito. Major subjects lang tayo magkaklase. Katulad ng dati. Don't worry. This afternoon, magiging magkaklase na tayong lahat. Pumasok na muna kayo doon. May mapa naman na tayong lahat nitong school nila hindi ba? Yung binigay ni Head Master Ryian kahapon. Magkita na lang tayo mayang lunch break. Remember the rules."
Yeah. May rules kami. Pinakauna nga doon, huwag makikipag away. ^_^ ang bait ko kaya! For sure, first honor ako pagdating sa rule na yun! Hehehe. Si Adelyn kasi may pagkasnob ng konti. Si Jenny naman aloof, si Manilyn so-so lang. Si Divina naman pinakatahimik lalo na sa mga taong di pa nya kilala.
So see? Ako talaga pinakamabait sa amin! (Tango tango)
"You look stupid nodding your head so many times. Pausong head bang mo ba yan Nica?"
Tumawa naman silang tatlo sa sinabi ni Ads. Grabe. Kinakawawa talaga ako ng mga ito. Hmph!
"'Lika na nga Jenny. Punta na tayo sa room."
Sabay hablot ko sa kamay nya.
"Ahm, actually Nics si Manilyn at ako yung binanggit. Hindi ikaw. Kasama mo si Divina at Ads sa room na ito. So bye bye. Kita na lang tayo mamaya sa lunch break."
Paliwanag nya habang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamy nya at biglang hinila na nya si Manilyn sa tabi ko at naglakad palayo.
"Yan. Lipstick pa more. Bangag lang teh?"
Adelyn added.
"Hmph!"
"Ok. Tama na yan. Tara pasok na tayo."
Divina then opened the door for us.
Pagbukas pa lang ng pinto, all eyes fell to us. Classroom ba talaga 'to? Exquisite tables and chairs, walang blackboard kundi isang napakalaking flat screen monitor ang nasa harapan. Ano yung nasa bawat tables? Tablets? Yun nga ata.
Biglang may nagbukas ulit ng pinto. 5 handsome guys entered. 3 giving us a confusing look, while the 2 have an irritated and bored expression in their faces. Mukhang may ibang lahi ang mga ito base na rin sa features ng mukha nila.
BINABASA MO ANG
Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)
Teen FictionGirls who only wish to live in a normal life but will be challenged to do a task. Make the devils turn into angels. Interesting? No. When they have to hide the secret of who they really are. They're not the typical girls who make simple things. The...