Chapter 41

3.4K 59 1
                                    

(ADELYN'S P.O.V)

"ALAM NYO, naweweirduhan na ako sa mga yan."-Jenny.

"Ako din eh. Sobrang galing ba ng mga kaibigan natin para bantayan sila ng mabuti?"

Kasi naman after Nica was able to make good shots ay panay din ang palakpak ni Fontanilla. Nica was actually good at this sport. Somehow, mukhang our grueling trainings paid off. Pero kahit na wala na sa kanila ang bola ay parang hindi naman sila tinatantanan ng mga kalaban nila.

"Whoaa!!! Go Amazona! Kaya mo yan! Magaling ka naman sa bugbugan diba?!"

He shouted loudly that made some drop their jaws. Ayos lang ba ang isang yun?

"Aba't! Ginawa pa akong action star ng kumag!"

Rinig na rinig naming komento ni Nica sa sinabi ni Fontanilla habang panay ang takbo nya sa pagkuha ng bola.

"May napansin ako dun sa isang myembro nila."

"Mhmm..."

Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil sa sinabi ni Vine.

"Jesna, napano yang braso mo? Parang namumula oh."

Rinig naming tanong ng kateammate namin kay Jesna.

"Oo. Yung isa kasi tinabig ako. Her elbow hit my arm. Hindi rin napansin ng inapakan nya ang paa ko."

Dahil sa sinabi niya, nagkatinginan naman kami. I think we know what's happening already.

We turned to the game at tamang tama naman ng nakita naming ang isa sa mga kalaban ay binabantayan ni Nica. Nasa likod nila ang referee kaya hindi nito nakita ang pag tama ng elbow nito sa dibdib ni Nica!

What the fudge?!

Nagsitayuan kami ng makitang she's clutching her chest. Pero she continued running for the ball.

"Coach, diba foul yun?!"

"Hindi nakita ng referee."

"So, wala tayong gagawin. Ganun po ba?"

Coach looks worried and he called for time-out.

"Ayos ka lang?"

"Masakit ba ang pagkakatama?"

Kanya kanya naming tanong sa kanya.

"Magpasub kana."

"Ayoko. Ok lang ako. Ako pa! Tsaka nag eenjoy pa akong makipagbalyahan dun sa babaeng epal na bumangga kay my labs, 'no!"

"Pero baka ikaw naman ang mapano. You know you can't handle too much. You need to at least rest."

"Ads, ok lang ako. Kalma lang friend ok? Pakiramdam ko lang, parang naflat yata twice ang dibdib ko. Hindi na nga ako pinagpala, napuruhan pa talaga. Huhuhu."

Nagawa pa talaga nyang magbiro. Baliw talaga ang isang 'to. -_-

Nasa third quarter na kami ng game. Nica is good in shooting while Man is good in blocking. The rest are trying to make shots pero palagi naman itong naagaw o di kaya naman ay hindi naishoshoot.

"Last year kasi sila Megan, Rosie, Liza and the rest din ang best players namin. It seems pinag aralan ng kalaban ang mga galaw nila kaya naman nahihirapan silang tatlo na malagpasan ang kalaban."

"Totoo yun. I heard puspusan ngayon ang labanan at maging ang pagresearch ng ilang dept sa mga kalaban. Kaya hindi na nakakapagtaka kung gamay na ng kabilang team ang galaw nila."

I heard our teammates' comments about the sudden change in the game. Kaya pala.

"But you know what? Your friends are doing a good job. Dahil hindi naman sila kasali last year, hindi alam ng ilan na may magaling pa tayong players katulad nila Nica at Manilyn."

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon