Chapter 15

4.3K 78 0
                                    

(MANILYN'S P.O.V)

ANG bigat! Ang bigat bigat talaga nitong stack of papers sa mga kamay ko. Pero mas awkward ang pakiramdam. Tinignan ko naman ang kasama ko na naglalakad di kalayuan sa tabi ko. Ni hindi sya kumikibo man lang. Bakit nga ba ulit ako napunta sa sitwasyong 'to? Ah, dahil nga pala kanina.

"Class, can someone bring these papers to the faculty? I need two people. I'll just have to go to the adjacent room. "

Prof Silvestre asked.

"Sila Espinosa and Sandoval raw po Sir."

Isang classmate naming babae ang bigla na lang nagsalita at sinabi ang apelyido namin.

"Ahm, but it would be nicer if guys will do it. This is quite heavy."

"Oh. I'm pretty sure they can handle it."

What was the name of that girl again? She is Jenny's seatmate at kasalukuyan sya ngayong binibigyan ng matatalim na tingin ni Jen pero ngumisi lang sya dito. Nakuha nya pa itong asarin.

"Well..."

"Don't tell me Sir, may favoritism na po kayo?"

"T-that's...."

Tumayo na ako para wala ng gulo.

"Ok lang po Sir. Ako na po ang bahala nito. Pumunta na po kayo sa kabilang room."

"Ahm, Ms. Espinosa huwag na lang. Ako na lang siguro ang magdadala nyan mam--"

Nagulat na lang kami ng tumayo ang isang lalakeng nakasalamin at dire diretsong kinuha ang kumpol at makapal na mga papel. Sa tingin ko, reports ito ng mga hinahawakang estudyante ni Sir Cedric.

"Tara na."

At naglakad na sya sa pinto. Nagulat naman ako at mabilis na kinuha ang mga natirang papel at nagbow kay Sir.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon