Chapter 29

3.5K 74 0
                                    

PAGDATING namin sa kusina, nagulat na lang ang tatlo ng makitang kasama namin ang dalawa at sila pa ang nagbitbit ng mga pinamili namin.

Nagpasalamat na lang kami ni Ads at pinaalis na sila sa kusina.

"Wow. Binili nyo ba ang buong grocery store?"-Manilyn.

"Ang dami naman nito."-Nica.

"Silang dalawa ang nagbayad sa lahat ng yan. Ni hindi na nga kami tinanong man lang."

"Hayaan nyo na. Those two are filthy rich. I'm pretty sure, barya lang ang mga 'to sa kanila."

"Mabuti naman at hindi nag away yung dalawa."

"Pffttt.."

"Bakit Ads?"

"Pfft. Those two didn't even bother talking to each other. Si Sean Lee at Jenny ang tanungin ninyo."

I glared at Ads sa sinabi nya. Balak ko na ngang hindi ikuwento eh. Ngayon the three are looking at me as if trying to figure out what happened.

"Nakipag sparring sya kay Lee kanina."

"That's not what happened!"

I retorted.

"Ok. You just proved to him that you can fight."

"Lahat naman tayo, we can pretty much fight."

It's the truth. We were taught self defense-a little. All of us. Sa aming lima si Vine lang naman ang hindi masyadong ginagamit yun. Ewan ko ba sa kanya.

"Matatapos na rin ang mga 'to. Mga iha, pakitawag na lang sila lahat pati ang mga bisita nyo. Doon tayo sa labas kakain. Nakahanda na rin ang mga mesa. Mas presko kasi sa labas."

"Sige po."

With that, the five of us headed to the room where everyone is.






















(DIVINA'S P.O.V)

"Ate Mika, ito masarap po."

"Ate Sam, yun po oh."

"Kuya.. Kuya.."

Sabay turo ng isang batang babae ng pagkain kay Sky. Kumuha naman ang huli at nilagay sa plato ng bata.

"Ano pang gusto mo?"

Tanong nito.

"Sky, my baby, fried chicken you want?"

Sabay pabeautiful eyes ni Antonette kay Skyler habang hawak hawak ang isang pakpak ng manok.

"Freaking NO!"

Sagot naman nito sabay talikod.

"Ate Yumi, ito po oh."

"Hindi ate. Ito po."

"Oh huwag na kayong mag away away. Kakainin ko naman lahat ng mga 'to kasi bigay nyo eh. Kumain na kayo. Ok?"

Nilagyan kasi ng mga batang katabi ko na sina Mico at Paulo ang pinggan ko ng mga pagkain. Natawa na lang ako sa kanila. So far, things went well.

Pinagmasdan ko ang siyam habang kumakain. Ang buong akala ko pa nga, magmamatigas pa sila pero mukhang deep inside, gusto naman talaga nila ang mga bata at makipaglaro sa mga ito.

Matapos kong kumain, tumayo na muna ako at iniwan kay Manilyn ang mga bata. Pinuntahan ko ang mga bodyguards na nakabantay simula pa kaninang umaga.

"Mga kuya."

"Ma'am. May kailangan po kayo?"

Tanong ng isa at biglang tumayo ang ilan sa kanila ng makita akong lumapit.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon