Chapter 37

3.5K 65 0
                                    

(MANILYN'S P.O.V)

HINDI KO alam kung nakahinga ba ako ng maluwag matapos magkuwento ang dalawa sa nangyari sa kanila o mas lalo akong dapat mag alala.

It turned out, malayo sa inaakala namin ni Jenny ang dahilan ng pagiging aloof nila. Hindi naman pala dahil dun. Pinatawag pala sila sa office ni Head Master kaya sila nagpaalam kaagad sa amin. Pero dapat sinabi pa rin nila sa amin yun agad! Nakakainis na talaga ang mga estudyante dito sa WING.

Mga mapanghusga at kung gaano sila kabilis mangjudge sa mga tao sa paligid nila, ganun din katalim ang tabas ng mga dila nila. Tss.

Now, we're walking at the huge gymnasium of the wing where there are a lot of people signing up at the different sports events. Ang sabi ko sa sarili ko, susubukan ko sa volleyball kung kakayanin ko para maiba naman. My friends are also looking for the possible sports that they will join in.

"Mine! Mine!"

I saw how the girls from other department made a solid spike na tumama pa sa ulo ng isang myembro ng kalaban nila. Sapol sa ulo! Yikes! Is this how try-outs and practices work for them? Well one word to describe it is: INTENSE.

"I don't think that's the proper way to play volleyball."-Nica.

"Hmm.. Sinabi mo pa. Parang gigil na gigil lang si ate sa pagspike oh."-Adelyn.

Nagulat na lang ako nasa tabi ko na lang silang apat.

"I thought mag oobserve kayo at magsasign up?"

"Oo nga. We already did. Sa chess, ang coach parang mukhang manyak. Ew. Kaya wag na lang."

Tinignan ko naman ang coach na sinabi ni Ads at sa mukha pa lang nito mukha ngang manyakis. >__< panot at nakasalamin habang tuwang tuwang pinagmamasdan ang mga babaeng nakauniform wearing skirts and p.e shorts.

"Sa table tennis naman halos paliparin ng mga nagtatry out ang bola. Pambihira! Ano bang klaseng mga players ang mga nandito?"-Jenny.

"Every year kasi matindi talaga ang labanan sa bawat departamento. Everyone wants the trophy and high grades. The Deans of every department make sure that their players are all skilled and talented. Dahil madadagdagan din kasi ang fund sa kanila at my reward pa like trip out of the country and stuffs."

We all turned at the back sa nagsalita. Standing and smiling to us is our classmate Rosielyn Catherine Danao.

"Hi!"

She waved and greeted.

"Hello!"

"Hi!"

"What sport are you joining?"

We all greeted at her while Vine asked her.

"Sa basketball girl division ako."

"WHAT?!"

We all said. Bakit naman nya gusgustuhin sa sport na halos balyahan lang ang ginagawa?

"Sigurado ka ba dyan?"

"Oo naman. Why don't you all come with me? Tamang tama kulang kami sa players. Baka magustuhan nyo."

Nagkatinginan naman kaming lima sa sinabi nya pero sumama pa rin kami sa kanya.

Sa isang mesa ay may dalawang babae na nagbibigay ng forms. Habang sa likod nila ay may apat na lalake na nakatalikod sa amin habang nag uusap usap.

"Excuse me coach, may magsasign up po."

"Uy, hindi pa kami magsa-"

Naalarma naman kami sa sinabi niya kaya agad kaming umalma.

"Oh. Kayong lima ang sasali?"

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon