Chapter 16

4.9K 108 6
                                    

AN: Nang nakita ko na meron palang iba pang nagbabasa nito, sobra talaga akong natuwa. :) Maraming salamat po.

*****

(NICA'S P.O.V)

WALANG hiya talaga ang lalakeng yun! Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa encyclopedia! Hanep talaga ang Fontanilla na yun! Tama bang ipasa sa akin halos lahat ng gawain namin? Naging partner activity pa ito kung ako lang pala ang gagawa! Ang rason ng kumag? Bumawi daw ako sa pagkakasuntok ko sa kanya ng tatlong beses! Eh, bopols pala sya eh! Dalawang beses ko lang naman syang sinuntok! Yung unang beses, the door knocked him out! Not me! Stupid Fontanilla! Naalog yata ang utak!

Nasa music room ako ng mangyari yun dahil tinignan ko lang kung merong flute sa loob.

Playing flute is my forte. Lahat naman kami bihasa sa isa o higit pang instrumento. Kaya somehow, past time na namin ang tumugtog nito.

(Sigh)

"Kanina ko pa naririnig yang buntong hininga mo. Kanina ka pa din nakabusangot at nilulukot yang papel sa harapan mo."

Untag sa akin ni Jenny. Magkaklase na kami sa subject na 'to dahil hapon na. Kapag hapon usually dahil mga major subjects na ito, konti lang kami sa classroom dahil ilan lang din ang kumuha ng Education bilang kanilang kurso.

"Minamalas kasi ako nitong nakaraang araw. At mas lalo pa yata akong mamalasin dahil kapartner ko ang isang unggoy."

"Unggoy? May unggoy kayong kaklase?"

"Oo. Babaero, antipatiko at nakakainis na unggoy."

"Naku, Jen. Hayaan mo na lang yang si Nica sa pag eemote nya. Napartner lang naman kasi sya sa lalakeng sinuntok nya kahapon. Hahaha!"

Sinamaan ko naman ng tingin si Ads. Nakuha pa akong pagtawanan at asarin nito. Samantalang sya nga at yung kapartner nya, ni ha ni ho wala yata akong narinig sa lalakeng yun. Ang pagkakaalam ko yung Ryu ang naging kapareha nito. Samantalang yung Rain naman ang kay Divina. Yung lalakeng una nyang nakabangga sa pagpasok namin dito.

"Hinaan mo nga yang boses mo Ads. Mamaya nyan mapagalitan pa tayo ni Sir Manacho eh."

"Oo nga. Tumahimk nga kayong dalawa dyan. Nagcoconcentrate ako."

Singit naman nitong si Manilyn habang nakapangalumbaba at titig na titig kay sir Joseph Ethan Manacho. Yan kasi ang crush nyang prof. Nagulat talaga kami dahil prof pala namin sya sa isang major subject. Bakit parang lumipat ata sa S.A wing lahat ng crush naming prof? Eeh... Kinikilig tuloy ako. Baka may pag asa pa kami ni my labs. ^_^

"Nagcoconcentrate nga ba o pinagpapantasyahan mo lang yang si Sir?"

"Shh... May makarinig."

"Wala nga sigurong makakarinig. May makakakita lang. Laway mo girl. Tulo na oh. Eew."

Bigla naman nitong pinunasan ang bibig nya sa sinabi ko.

"Eeh? Wala naman!"

Natawa naman kami sa reaksyon ni Manilyn.

"Oo nga pala, bakit hindi pa bumabalik si Divina?"

"Baka hanggang ngayon, nasa faculty pa ito kasama yung iba pang leaders ng klase."

"Siguro nga. Ang tagal naman nilang matapos."

Kanina kasi pagkatapos na pagkatapos ng mga klase namin na pang umaga, hindi na nag atubili pa ang kaibigan namin na kumain man lang ng lunch. Nagpaalam na ito kaagad kaya naman pinuslit ko na lang sa bag nya ang isang bar ng hershey. Baka magutom sya at least may makakain sya.

Clan Heiresses: Taming the Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon