Chapter 1

1.6K 361 359
                                    

#IASS01

"Dominique."


"Dominique."


"Dominique!"

Nagising ako sa pagtawag ni Reign ng pangalan ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at kinusot ito.

Agad nya rin tinaggal yung earphones sa tenga ko. Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakakunot ang noo niya.

"Araw-araw nalang ba kita gigisingin tuwing tapos na ang klase? Nagbell na Dominique tulog ka paren?" aniya

"Sorry, puyat kasi ako kagabi eh." sagot ko sabay inat.

"Puyat? Eh lagi ka namang puyat. Ano bang problema mo at lagi ka nalang puyat? Palaki na ng palaki yang eye bags mo," she replied

"Wow hiyang hiya ko sa eyebags mo ah," I fired back and rolled my eyes.

"Atleast ako attentive sa klase, eh ikaw? Tulog ka lang ng tulog at ang lakas mo pang magsoundtrip habang nagtuturo si Sir," sabi niya habang nakapamewang.

"Edi ikaw na matalino," hirit ko.

"Halika na nga, kung hindi pa kita ginising baka abutan ka pa ng gabi dito sa classroom," sagot nya at hinila nya na ko.

"Wala ka lang kasing kasama," sabi ko habang tumatawa.

"Ewan ko sayo," aniya.

Agad kaming pumunta ng cafeteria para kumain ng lunch. Maganda ang cafeteria dito sa St. Ambrose, malaki at maraming lamesa, kaya marami ding estudyanteng nag-aaral rito dahil sobrang convenient.

Marami na agad akong estudyanteng nakikita, may kanya kanya silang tray na bitbit. Yung ibang estudyante naman naglalaro lang sa cafeteria.

"Dominique, ako nalang mag-oorder saatin, humanap ka nalang ng mauupuan natin," prisinta niya habang dumudukot ng pera sa wallet.

"Sige, salamat."

Agad naring pumila si Reign para magorder. Naghanap ako ng mauupuan namin ni Reign, kahit na moody at medyo suplada siya ay masasabi kong mabuti siyang kaibigan.

Habang naghihintay ako ay may tumabing lalaki sa akin at inakbayan ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad kong tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.

"Hey there pretty lady," sabi nya habang nakangisi.

Hindi ako umimik at tumingin sa ibang direksyon baka sakaling umalis siya at hindi na ako pansinin. Pero nagkamali ako dahil nagulat ako ng hawakan nya yung baba ko at hinarap sa kanya.

Agad ko namang tinanggal ang pagkahawak nya sa baba ko at tinignan sya ng masama.

"Woah before you get mad at me I'm-"

Di na nya natuloy ang sasabihin niya dahil agad na pinigilan ni Reign ang sasabihin niya.

"Hoy Rider! Ano nanamang binabalak mo ha?! Kahit kelan ka talagang lalaki ka, di ka na nahiya."

Tinignan ko si Reign na may hawak hawak na tray at nakita ko sa mukha niya ang galit.

Rider? Sino yun? Bat ngayon ko lang nakilala? At bakit galit na galit si Reign na lalaking ito?

"Woah woah easy Reign, I'm just being friendly here," sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay.

"Friendly mo mukha mo, landi mo rin talaga eh noh? Pagkatapos kay Amber kay Dominique naman?" sagot ni Reign at nilapag na ang tray sa lamesa namin.

"So her name is Dominique, nice to meet you," he said and offered his hand to me.

"Don't take it Dominique, I swear I will-" sabat ni Reign.

Tinignan ko si Reign ng nakakunot ang noo.

Ano bang masama pag nakipagkamayan ako sa lalaking 'to?

Hindi na ko nagdalawang isip at nakipagkamayan ako sa lalaking ito. Agad namang bumuntong hininga si Reign at umupo ng padabog at uminom ng tubig.

"See Reign? Mabait sya di tulad mo," si Rider.

Nagulat ako noong tumayo si Reign at akmang susuntukin yung lalaki, agad ko naman siyang pinigilan.

"Reign ano ba? Nakikipag kaibigan lang naman yung tao, anong masama dun?"

"Kaibigan? Eh di mo naman 'yan kilala, mukhang may masamang balak 'yan sa'yo eh," kita kong konti nalang ay hindi na makakapagpigil pa si Reign.

Masyado din kasi syang protective sakin. I don't mind tho, she's my only friend here. 'Di naman kasi ako kagaya ng iba na madaling makipagkaibigan. I'm not that sociable, and sometimes I find people really annoying.

Napansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante kaya agad kong pinakakalma si Reign, baka kasi maabutan kami ng teacher at ipa-guidance pa kami. Ayoko pa naman na ipatawag yung parents ko, first time kong mapapaoffice nito.

"It's ok Dominique aalis nalang ako, kita nalang tayo next time, nang tayong dalawa lang," sabi niya habang masamang nakatingin kay Reign at agad naring umalis si Rider.

"Get lost asshole!" sigaw niya sa lalaki at padabog na umupo.

"Reign, ano ba? Ang dami ng nakatingin na estudyante satin? Di ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Mapapaoffice tayo neto. Alam mo namang never pa kong napaguidance," sagot ko na medyo kinakabahan.

I don't like the attention of people, it gives me anxiety.

"What am I suppose to do then? Hayaan kang makipagkaibigan sa manyak nayun? Palibhasa wala kang masyadong kilala rito," sagot ni Reign at nagsimula ng kumain.

"Sino ba kasi siya?" sagot ko naman at uminom ng juice na binili nya.

"Siya si Chris Rider dakilang play boy, magiingat ka dyan Dominique. Marami nayang babaeng ginaganyan, kunwari makikipagkaibigan pero may masama na yang binabalak sa'yo," sagot nya na parang isa sya sa naging ex ni Rider. I laughed at the thought.

"Ahh," tipid kong sagot at nagsimula naring kumain.

"Looks can be deceiving Dominique. Be careful," she added while looking at me intently

Hindi ko alam kung bakit parang maypagbabanta sa tono ng boses niya pero hindi ko nalang pinansin.

Napabuntong hininga ako at naisip yung sinabi ni Reign. Tama nga sya, dapat hindi ako nakikipagkaibigan sa hindi ko kilala. If there's someone I can fully trust besides my family, it's Reign.

Isa lamang akong normal na estudyante, hindi matalino at hindi rin bobo, sakto lang. Hindi rin naman ako kagandahan at hindi rin pangit di tulad nitong si Reign na matalino na, maganda pa, kaya ang daming manliligaw nyan pero binabasted naman nya kaagad. Ayaw nya munang may sagabal sa pag-aaral nya at nakakastress daw kapag may boyfriend.

Sang ayon naman ako sa kanya, sobrang sipag neto ni Reign although masungit at suplada pero mabait naman, pili lang rin yung mga kinakaibigan nya, alam nya kasing di dapat tayo nagtitiwala agad sa mga taong hindi natin kilala. Marami rin akong natutunan dito kay Reign.

Like every teenage girl, I'm just a normal human being. I have a complete family and I'm pretty much contented with my life. I couldn't ask for more.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon