Chapter 12

330 154 14
                                    

#IASS12

"Reign, teka lang! hintayin mo ko!" sigaw ko kay Reign at muntik na kong matapilok kakahabol sa kanya.

Andito kami ngayon sa timezone at kanina pa kami naglalaro ni Reign ng ibat ibang arcade games. We played basketball, street fighter, tekken, just dance, barilan at kung ano ano pa. Kanina ko pa napapansin na medyo busangot ang mukha ni Reign. Inalala ko ang nangyari kanina.

"Pano ba yan Reign, panalo nanaman ako," sambit ko at mayabang na tumingin sa kanya.

"Unfair! one more game," reklamo nya at naglagay nanaman ng panibang token.

"Kanina ka pa nagsasabi ng last game at eto padin tayo naglalaro ng tekken, di ka pa ba napapagod?" natatawang tanong ko sakanya na halata sa mukha ni Reign ang pagkainis

"No, hindi ako aalis dito nang hindi kita natatalo," determinadong sabi ni Reign at nakafocus lang sa nilalaro namin.

"Nakakasawa na toh oh, tsaka ang sakit na ng daliri ko kakapindot. Maaubos nalang tokens natin sa tekken eh," sagot ko naman pabalik pero di ako pinansin ni Reign.

"Anak ng tokwa oh!" sigaw ni Reign at nagulat ako nung padabog syang umalis sa arcade.

"Hoy teka lang!" sigaw ko pabalik

Nagulat pa ko nung pagtayo ko ay nakatingin na samin ang ibang naglalaro at napansin ko na may nakapila pa pala na mga bata sa likod namin. How long have we been playing?

Kinabahan pa ako nung hindi ko makita si Reign at nung nakita ko sya sa claw machine ay nawala ang kaba ko. Hinabol ko muna ang hininga ko bago ako lumapit sakanya.

"Fuck this stupid machine!" reklamo ni Reign at nakita kong sinipa nya yung claw machine.

"I ran out of tokens, buy me some more," sambit nya sabay abot sakin ng one hundred peson.

"Easy lang bro, kanina pa tayo naglalaro dito. Kain muna tayo at nagugutom na ko," tawag ko kay Reign dahil kanina pa sya inis na inis.
Kinakabahan narin ako dahil baka palabasin na kami dito. Kanina pa kasi kami pinagtitinginan ng mga tao.

Napabuntong hininga nalang ako nung hindi parin umaalis si Reign sa claw machine. Biglang may naisip ako na paraan para kumalma siya. Hinatak ko si Reign papunta sa photobooth at nakita ko kung pano siya nagulat sa ginawa ko. Marahan akong napangiti. For sure mawawala na ang inis mo Reign

"Where are we going?" nagtatakang tanong ni Reign

"You'll see," tipid ko namang sagot at ngumiti sa kanya.

Nang makalapit na kami sa photobooth at nakita kong tumalikod si Reign at akmang aalis pero hinila ko sya pabalik at pinapasok sa loob.

"Ayoko dito Dominique, kumain nalang tayo," reklamo ni Reign pero di ko siya pinansin at sinwipe ko ang timezone card para makapagpicture kami.

Buti nalang naitago ko pa yung timezone card sa wallet ko at maswerte ako nung meron pang natitirang points. Ayoko na kasi magpabili pa kay Reign ng time zone card dahil kanina pa sya nagastos sa tokens.

"Sige na Reign," pagmamakaawa ko. "Simula nung naging magkaibigan tayo wala pa tayong picture, puro sa cellphone lang," tinignan ko si Reign at tumitig muna sya sakin bago tumango. Napangiti naman ako sa tuwa.

"Shit, nakalimutan ko kung ano pipindutin para magpicture," pabulong kong sabi at nakita ko si Reign na tinaas ang kilay

"Ahh eh, wait lang," mahinang sagot ko sakanya at patuloy sa pagpipindot.
Nakita kong naiinip na si Reign kaya mas lalo kong binilisan. Ugh! bat parang may binago sila dito? dati naman madali lang magpicture eh?!

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon