Chapter 7

429 192 14
                                    

#IASS07

Reign and I decided to go home pero bigla kong naalala na kailangan ko nga palang bilhan ng pasalubong ang mga kapatid ko. So I decided na pumunta sa toy kingdom at bumili ng laruan para sa kanila.

Cassie loves cute stuff toys while Dylan likes superheroes. At first I was hesitant because I might see Damien there pero sabi ni Reign ay hindi naman daw sya yun at baka nakaalis narin si Damien. I still can't help but to get nervous.

Pagkapasok sa toy kingdom ay pumunta agad ako sa mga stuff toys at kumuha ng isang cute na teddy bear. Kulay pink ito dahil favorite color iyon ni Cassie. I then went to the toys' section kung saan andun yung iba't ibang superheroes tulad nila spiderman, batman, superman etc. for sure magugustuhan ito ni Dylan.

Lumingon ako at nakita si Reign na tumitingin din sa mga laruan pero she looks bored already. I laughed kasi hindi naman siya talaga mahilig sa laruan, kahit noong bata pa sya. Bumalik ako sa tinitignan kong laruan at dinampot ang isang spiderman action figure.

Pagkadampot ko ay nahulog ang isa nitong katabing action figure na superman, kukunin ko na sana ito sa sahig ng biglang may isang lalaking dumampot nito. Nagulat ako dahil nakita ko sya.

Damien?

"Hoy babae, tapos ka na ba? nabobored na ko dito kakatingin sa mga laruan. Nakakasawa na!" reklamo ni Reign pero di ko sya pinansin dahil nakatitig padin ako kay Damien na nasa harapan ko ngayon.

Tumingin din sya sa'kin pero binalik din nya ang tingin sa superman na laruan. Nagulat din ako ng biglang may tumawag sa kanya sa likuran. Agad naman akong lumingon doon.

"Damien! halika na. Tama na'yan at marami ka ng nabiling laruan!" tawag ng isang babaeng mukhang nasa mid 40s. Andun sya sa may cashier at nagbabayad ng kanilang pinamili.

"Yes Mommy!" sambit ni Damien atsaka nya binalik ang hawak nyang superman sa taas na shelf. Pinagmasdan nya pa ito saglit at tuluyan ng lumapit sa nanay nya.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil una, si Damien talaga yung batang lalaki dahil rinig ko ang pangalan na sinigaw nung babae. Pangalawa, pano naging ganoon si Damien?

Nakatingin padin ako sa kanila habang papalabas na sila ng toy kingdom. Nagulat ako nung bigla akong tinapik ni Reign sa balikat at doon na ko natauhan. Tumingin ako kay Reign at nakita kong takang-taka sya sa inaasal ko.

"Dominique? What's wrong? are you done?" nag-aalala niyang tanong.

"Si Damien. Si Damien nakita ko. Kasama niya Mama nya, bumibili din nitong laruan," sagot ko at pinakita ang spiderman na action figure.

"Ha? Asan? Siya ba? yung nakita natin sa tokyo tokyo habang kumakain?" naguguluhang tanong ni Reign at tumingin sa paligid.

"Oo, kaso umalis na sila."

"You know what? I think we should go home. That's enough for today. You should take some rest at baka tuluyan ka nang mabaliw," deklara ni Reign sabay kuha nung kinuha kong stuff toy at spiderman na laruan.

Nakita kong pumunta siya sa cashier at binayaran ang pinamili ko.

Tulala padin ako hanggang ngayon at di makapaniwala sa mga nangyari. 

Guess this wasn't a great weekend for me.

*****

It was Sunday and finally I can relax and continue watching YOU season 2. Buong araw lang akong nasa kama at nanood. I also texted Reign last night to thank her for buying the toys for my siblings. Sabi ko babayaran ko nalang sya pero she insisted na wag na so I let her.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon