Chapter 4

583 237 41
                                    

#IASS04

"Dominique?" tawag ni Reign sa'kin.

Nandito kami ngayon ni Reign na isang park malapit sa school. Naisipan namin na mamaya nalang kami uuwi dahil gusto nya daw muna dito sa park at kumain daw kami ng ice cream. Tutal sabado rin naman bukas, so pumayag narin ako.

"Hmm?" sagot ko sa kaniya.

Nandito kami nakaupo sa swing ng park habang kumakain ng ice cream.

"Bakit Dominique tawag sayo? Ayaw mo ba ng Claire?" curious niyang tanong.

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang, baka may sikreto dyan sa pangalan mo," si Reign.

"Huh? Wala noh, di naman sa ayaw ko sa Claire, mas sanay lang ako sa Dominique," sagot ko sa kaniya na may halong pagtataka.

"Ok, maganda din naman yung Claire." Nagkibit balikat nalang siya at umupo sa tabing swing.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.

Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami sa swing. Inayos ko ang palda ko saglit. Sumulyap ako kay Reign at nakita kong titig na titig sya sa akin.

"Reign?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Huy Reign!" sigaw ko sa kaniya "Ano ba yun?" tanong ko ulit.

Tumayo si Reign at lumapit sakin, medyo kinakabahan ako sa titig na binibigay nya sakin. Habang papalapit sya ng papalapit ay bigla kong naramadaman ang kanyang daliri sa gilid ng bibig ko, dali dali nyang pinunasan ang ice cream sa gilid nito.

"Ano ba iyan Dominique, para kang bata kung kumain ng ice cream,"
sambit nya sabay punas ng kamay sa kanyang palda.

"Hays, ano ba yan kala ko kung ano. Kung makatingin ka naman kasi eh,"
iritado kong sagot at tumawa lamang siya.

"Baliw! tara na nga at kailangan ko ng umuwi, baka pagalitan pa ko ni Mommy."

Dinampot niya ang backpack at sinuot sa likod niya. Tumayo na ko sa swing at inubos ang ice cream na hawak hawak ko.

"Susunduin ka ba?" kinuha ko narin ang backpack sa tabi ko at sinuot ito.

"Uh oo, ok lang ba di na muna kita ihatid sa inyo?" tanong nya.

"Ahh oo, ok lang. Maglalakad nalang ako. Malapit lang naman yung bahay namin dito," sabi ko

"Ah sige Dominique, maiwan na kita. Andiyan na sundo ko sa tapat ng school, ingat ka. Text me when you get home. Bye!" paalam niya habang unti-unting naglakad palayo sakin.

Kumaway ako sa kaniya nung lumingon sya sa'kin. Kumaway din sya pabalik.

Nagsimula na kong maglakad papunta sa'min at habang naglalakad ay di ko parin maiwasang isipin ang nangyari ngayong araw. I still think about Damien at kung anong meron sa kanya.

I don't understand why I'm so curious about him. I just can't get him off inside my head.

Di ko napansin na papalubog na pala ang araw. Nakita ko rin ang ibang estudyante na naglalakad kagaya ko pauwi sa kani-kanilang tahanan.

Home

It has been a tiring day and I can't wait to get home and see my family again.

I love my family so much and I will do anything for them. I would even kill if something bad might happen to them which I hope not. I'm actually the eldest among my siblings.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Cassandra, at Dylan. Grade 2 si Cassie habang si Dylan naman ay Grade 1. Me being the eldest, it's my responsibility to protect them and to be a good role model.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon