Chapter 45

104 17 12
                                    

#IASS45

I woke up when a gleam of light struck my face. Unti-unti kong minulat ang mata ko at pinagmasdan ang paligid. Napapalibutan ako ng puting pader at nakahiga ako sa isang kama.

Later I then realized I was in a hospital. May dextrose sa tabi ko at may nakakasaksak na karayom sa palapulsuhan ko.

Sinubukan kong galawin ang daliri ko at inangat ang kamay ko pero nagulat ako noong naramdaman kong nakaposas ito.

Pilit kong inalis iyon pero nanghihina pa ang katawan ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang walang tao doon maliban sa'kin.

Sinubukan kong iangat ang sarili ko pero naramdaman ko ang kirot sa tagiliran ko. I was sweating bullets and breathing heavily.

Ilang sandali ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa harap ko. Bumungad sa'kin ang isang lalaki na nakamask at puting coat.

Kahit nakatakip ang mukha niya ay kilalang kilala ko kung sino siya. Masama siyang tumingin sa'kin at agad na lumapit sa'kin.

Naramdaman ko ang panunuyot ng lalamunan ko kasabay ng pagtulo ng pawis ko. Namilog ang mata ko at pinilit na alisin ang kamay kong nakaposas sa bed frame ng kama.

Ilang sandali ay nagulat ako noong maramdaman ko ang malalamig na palad na mahigpit na nakapulupot sa leeg ko. Namilog ang mata ko at sinubukan siyang hawakan pero hinawi niya lang ang kamay ko.

Nangingilid na ang luha ko sa mahigpit niyang pagsakal sa'kin. Unti-unti na akong nawawalan ng hininga at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko.

Hindi ko magamit ang isa kong kamay dahil nakaposas iyon. Nanlilikisi ang kaniyang mga mata habang sinasakal ako.

Nagulat ako noong sumampa pa siya sa kama ko at pinagpatuloy ang pagsasakal sa'kin. Mas mahigpit at mas masakit na para bang gusto niya akong tuluyang mamatay.

"Die bitch!" sigaw niya

Wala akong magawa kundi pilitin na alisin ang kamay niya sa leeg ko pero wala iyong silbi. Naramadaman kong maslalong bumabaon ang kaniyang daliri sa balat ko at kahit gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa.

My toas started to curl and my eyes were watering. Hindi ko alam ang gagawin dahil nakapatong siya sa'kin habang binabaon ang ulo ko sa kama.

I was starting to lose my breath and anyminute I'll be dead on his hands.

I couldn't think anymore and the last thing I did was scream on the top of my lungs inside my head.

Napabangon ako at hingal na hingal habang hawak hawak ko ang leeg ko. Umubo ako ilang beses habang minamasahe ang lalamunan ko.

"Hey, Dominique. What's wrong? Are you alright?" si Rio at agad na lumapit sa'kin.

I was still catching my breath and held my chest. Nanunuyot ang lalamunan ko kaya agad kong sinenyasan si Rio na kumuha ng tubig.

Agad naman siyang lumayo sa'kin at binigay sa'kin ang isang baso ng tubig.

Dirediretso ko iyong ininom at naramdaman kong umupo si Rio sa tabi ko.

"Slowly." sambit niya at binalik ko amg baso sa kaniya pagkatapos ubusin.

"It's just a dream Dominique, shh."

I felt his arm wrapped around my shoulder. Pumikit ako ng mariin at tinakip ang dalawa kong palad sa mukha.

Tumama ang ulo ko sa dibdib ni Rio at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko.

"He tried to kill me," I whispered.

"You're safe now," he comforted me.

Lumayo ako kay Rio at pinunasan ang luha ko. Ngayon ko lang napansin na nasa hospital bed ako at maliwanag ang paligid.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon