#IASS29
"Mommy, malapit 'ko na bang mameet ang baby sister ko?" tanong ko habang nakasandal sa kaniya.
Nandito kami ngayon sa garden area ng bahay ni Lola. Nakaupo kami sa duyan at pinagmamasdan ang mga magaganda at iba't ibang klaseng halaman ay bulaklak.
Simula kasi 'nung nabuntis si Mama sa kapatid ko ay dito muna kaming pansamantalang naninirahan dahil pinapagawa palang ang bahay namin. Nagtatrabaho naman si Papa sa ibang bansa para sa'min at para nadin sa kinabukasan ko at sa future na magiging kapatid ko.
Hinimas ni Mama ang ulo ko at tinignan ako. "Oo, anak. Magkakaroon ka na ng kapatid. Magiging Ate ka na," maligayang sabi ni Mama at ngumiti.
Kumislap ang mga mata ko at hinawakan ang tiyan ni Mama. Habang tumatagal ay lumalaki ito at hindi ko maiwasang mamangaha. Ang galing noh? May nabubuong tao sa loob ng tiyan ni Mama. Tama nga ang sinabi nila na ang tao ang pinakamagandang gawa ng Diyos.
Pumikit ako habang nakangiti. Papa Jesus, sana po dumating na agad si baby. Sana po maging maayos ang panganganak ni Mama at maging healthy ang baby. Excited na po kasi akong makita siya eh.
Namilog ang mata ko dahil may naramdaman akong gumalaw sa loob ng tiyan ni Mama. Tumingin ako kay Mama at nakangiti lamang siya sa'kin. "Mommy, naramdaman 'ko pong gumalaw si baby sa tiyan niyo!" masigla kong sabi.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Mama at hinawakan ang kamay 'kong nakapatong sa tiyan niya. "Mukhang excited na din siyang makita ang big sister niya," sabi ni Mommy.
Ngumiti ako ng malapad at sinandal ko ulit ang ulo ko sa kaniya. Niyakap ko si Mommy at nilagay naman niya ang braso sa likod ko para masuportahan ito.
"Pero Mommy, kailan po uuwi si Daddy?" malungkot 'kong tanong.
Hindi ko maiwasang isipin ang sitwasyon ni Daddy dahil alam 'kong naghihirap din siyang magtrabaho para sa'min. Almost two years nadin siyang nasa abroad at hindi padin siya umuuwi. Huli 'kong kita sa kaniya ay siguro nasa seven or eight years old ako. Tuwing may oras ay nag-uusap at nag-vivideo call lang kami sa cellphone pero hindi iyon sapat. Miss na miss ko na si Daddy at sana makauwi agad siya bago manganak si Mommy.
Napahinto si Mommy sa pag-duyan at yumuko. "Hindi pa alam ng Daddy kung kailan siya makakauwi eh pero wag kang mag-aalala anak, makakasama din natin siya sa lalong madaling panahon," hindi din maiwasan ang lungkot sa boses ni Mommy dahil alam 'kong miss na miss niya nadin si Daddy.
Bumuntong hininga nalang ako at hinigpitan ang yakap kay Mommy. Humigpit din ang hawak niya sa'kin at sumandal din sa ulo ko. Nag-simula ulit mag-duyan si Mommy at hindi nagtagal ay dinalaw nadin ako ng antok.
Sana makompleto kami ulit. Sana maging maganda ang hinaharap naming pamilya.
Bumalik ang diwa ko sa malakas na busina ng sasakyan at muling minulat ang mga mata ko. Andito padin ako sa rooftop at nalula ako noong tumingin ako sa baba. Ang taas ng kinatatayuan ko ngayon. Muntikan pa akong madulas at mawalan ng balanse. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko at napahawak ako sa dibdib ko.
Unti-unti akong bumaba habang nanginginig ang mga binti ko. Nakahinga ako ng maluwag at napaupo nalang sa sahig ng rooftop.
"Ano bang katangahan iyon Dominique? Mas gugustuhin mo nalang ba na mamatay habang hindi padin nahahanap ang totoong pumatay sa pamilya mo?" sabi ko sa sarili ko at sinapo ang palad sa noo ko.
Sabi nga ni Inspectora na hindi dapat ako padalos-dalos. Hindi ko hahayaang kontrolin ako ng emosyon ko. Kailangan 'kong lumaban.
Ngumisi ako 'nung pumasok si Damien sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit umiinit bigla ang dugo ko sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit ganito ako. Siya ang dahilan kung bakit minsan ay hindi ko na makilala ang sarili ko. At higit sa lahat, siya ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Misterio / Suspenso[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...