#IASS24
Chris' POV
Ilang minuto ang lumipas bago ako lumapit sa bahay. Huminga ako ng malalim at kumalma habang naglakakad. Wala kang kasalanan Chris. Hindi ka makukulong. Sabi ko sa sarili ko hanggang sa makalapit.
"Chris anak! Andito ka na pala," sambit ni mama at humalik ako sa pisngi niya.
Lumingon sa'kin ang babae kasama ang dalawa niyang pulis. Lumayo sila kaunti sa bahay para makadaan ako.
"Are you Chris Rider? We are from the police department and I would like to ask you some few questions. Come with us," sambit niya at pinakita ang I.D. na suot.
Inspectora Raquel
Lumingon sa'kin si mama at nag-aalala. "Christopher! Ano nanaman ba ito?! Bakit ka nila hinahanap? Ano bang ginawa mo?!" sigaw ni mama at kita ko ang nagbabadyang luha sa mata niya.
It pains me every time I see my Mom cry. Kahit pa dati ay lagi siyang pinapatawag sa guidance office dahil may ginawa nanaman akong kasalanan sa school. Wala siyang ginawa sa'kin kundi sigawan nun. Mula pagkabata ay si mama lagi ay nagbabantay sa'kin dahil madalas ay busy si papa sa trabaho.
Naalala ko pa noon ang pagpalo sa'kin ni mama dahil inaway ko ang kaklase ko sa school. Tinawagan si mama sa office at walang ginawa kundi pagalitan ako pero iba na ngayon. Mas malaki ang problema na pinasok ko at hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Mama.
"Wala ito Ma, parang hindi na po kayo nasanay sa'kin," pagbibiro ko pero nagbabadya ng tumulo ang luha sa mata ko.
Masakit pero mas masakit makita na unti-unti kong nasasaktan si mama. Parang tinutusok ang puso ko ngayon at hirap kontrolin ang boses.
"Pero Christopher! Ibang usapan na 'to! Pulis na ang kaharap natin at hindi teacher mo o prinsipal! Anak naman!" sigaw ni mama at nakita kong tumulo ang luha sa mata niya.
Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang luha na kumawala sa mata ko. Humarap ako sa kaniya at tipid na ngumiti.
"Okay lang Ma, hindi naman kami magtatagal. Babalik agad ako at ako narin ang mag-aalaga kay Jillian," sambit ko at inabot ang plastic na may laman na gamot kay mama.
Nakatingin lang siya sa'kin at tulala. Nilagay ko sa kamay niya ang dalang plastic bago bumaling sa mga pulis.
"Pwede po muna humingi ng favor?" tanong ko
Kumunot ang noo ni Inspectora at nagkatinginan naman ang dalawang pulis sa likod niya.
"Pwede po munang makita ang kapatid ko? Gusto ko lang magpaalam sa kaniya," sambit ko
Ilang segundong nakatingin sa'kin si Inspectora tila nagdadalawang isip bago tumingin sa relo na suot niya. "You have 10 minutes, make it quick."
Nagpasalamat ako sa kaniya at lumingon kay mama. Nakita ko ang pagsulyap niya sa'min ni Inspectora.
"Chris naman," sambit niya sabay hawak sa braso ko
Tipid lang akong ngumiti sa kaniya at inalis ang hawak niya sa'kin. Pumasok ako ng bahay at dumeretso sa kwarto ni Jillian.
Kumatok ako bago pumasok at nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi ng kama.
"Jillian, pagaling ka ah? Ikaw na muna ang bahala kay Mama pati narin kay Papa," bulong ko at hinawakan ang kamay niya.
Nagulat ako dahil unti-unting minulat ni Jillian ang mata niya. Nakita ko kung pano sumilay ang ngiti sa labi niya pero bakas padin ang panghihina sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mistério / Suspense[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...