Chapter 23

204 77 10
                                    

#IASS23

Pagkatapos kong magpaalam kay Reign ay nagsimula na akong maglakad papuntang café na pinagtatrabahuhan ko. Walking distance lang naman iyon sa school kaya hindi ko na kailangan pang magcommute, tsaka nag-iipon ako ngayon para sa mga gastusin.

Nang papalapit ako ay natanaw ko agad na marami ng tao ang nasa café. Binilisan ko lalo ang paglakad para makapagsimula na agad.

"Good afternoon!" maligaya kong sambit at nakita kong lumingon agad sa gawi ko si Gina.

Nagulat ako dahil andun siya sa dulong lamesa at nagseserve ng pagkain sa customer. Diba ang trabaho nya ay doon sa cash register?

Maslalo kong ikinagulat nang lumapit siya sa akin na may matalim na titig. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa pagtitig niya sa akin.

"Ay buti naman naisipan mo pang pumasok? Asan ka kahapon ha?! at bakit hindi ka pumasok? nagtext ako sa iyo na may bagong ipapagawa sa iyo si Karl diba?! Hoy babae, kahit baguhan ka palang ay matuto kang sumunod," bulyaw niya sa akin na ikinagulat ko.

Nagtext? Kahapon? Bakit parang hindi ko maalala ang text niya?

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ate Gina, sure ka ba sa sinasabi mo? Anong text?"

Napaawang ang labi niya at tinampal ang noo. Hawak niya padin ang tray sa kamay niya nang bumaling ulit siya sa akin. "Ay gaga 'to, ako pa ngayon ang sinungaling?"

"Eh Ate, wala naman kasi akong naalalang nagtext ka eh," sambit ko at humigpit ang hawak sa backpack na suot ko. Yumuko ako at nagpout.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Ate Gina. "Hay ikaw talagang bata ka, sinasabi ko sa iyo malilintekan ka na talaga sa'kin sinasabi ko sa'yo," sambit niy

Hindi ako makatingin sa kaniya at nanatiling nakayuko lamang. "Sorry Ate Gina. Nawala kasi bigla sa isip ko eh. Masyado lang siguro akong stress sa school kaya nalimutan ko."

"Oh sige na sige na, magtrabaho ka na. Dumadami na ang customers at hindi ko na kayang mag-isa," sambit niya at ibinigay sa akin ang tray na hawak niya

Tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa labi. "Thank you Ate Gina! Promise, magtatrabaho ako ng mabuti!" sambit ko at tinanggap ang tray.

"Siguraduhin mo lang," saad niya at bumalik na sa cash register.

Sumunod ako sa kaniya at nilapag ang tray sa counter. Inalis ko rin ang backpack ko at sinabit iyon. Kinuha ko din ang apron ko at sinuot. Pinusod ko din ang buhok ko at lumingon kay Ate Gina. Nakita ko siyang busy sa pagkukuha ng order ng customer.

Nang makaayos ay kinuha ko ulit ang tray at nagsimulang magligpit ng mga lamesa. Paminsan minsan ay kinukha ko din ang order ng mga customers at sinusulat iyon sa maliit na notebook.

"Enjoy your meal Ma'am," sambit ko at ngumiti

"Thank you," sabi naman niya at tipid na ngumiti.

Bumalik ako sa pwesto ni Ate Gina habang wala pang customer na nagoorder. Nilapag ko muli ang tray sa tabing counter at tumingin sa kaniya.

"Ate Gina, ano nga palang sinabi ni Sir Karl noong hindi ako pumasok kahapon?"

Hindi siya lumingon dahil may sinusulat siya sa notebook na tingin ko listahan ng mga orders. "Wala, sinabi ko lang na masama ang pakiramdam mo at hindi ka nakapasok," sagot niya

Tumango lang ako sa sinabi niya at nagsalita ulit. "Eh ano ba yung pinapagawa niya?"

This time, lumingon na sa akin si Ate Gina at tinaas ang kilay. Humarap siya sa akin ng nakapamewang. "Nagbigay lang naman ako ng flyers sa labas at nakatayo lang doon magdamag na dapat ay trabaho mo," mataray niyang sabi

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon