#IASS13
"Padaanin niyo ko! Bakit ba andito kayong lahat sa tapat ng bahay namin? Sino ba kayo ha?! Anong nangyayari?!" sigaw ko habang pilit na sumisiksik sa nagkukumpulang tao.
Kita ko ang ibat ibang emosyon sa mukha nila. May mga umiiyak at ang iba naman ay nagulat. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Habang tumatagal ang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ko makahanga. Ang tanging nasa isip ko nalang ay makita ang pamilya ko.
Unti-unting dumistansiya ang mga tao at unti-unti ko naring nakikita ang bahay namin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, tila hindi ako makapag isip ng maayos. Huminga ako ng malalim at pinapakalma ang aking sarili. Nagulat ako dahil may mga dilaw na tape sa sa gate namin at halos napapalibutan ito ng buong bahay. May mga pulis na nakakalat at mga medics sa paligid, meron din sa loob ng bahay namin.
Biglang tumigil ang mundo ng mahagilap ko ang katawan ng pamilya kong walang malay. Hindi ako makagalaw. Mga ilang segundo lang akong nakatayo sa labas ng bahay namin at pilit na iniintindi ang nangyari. Tama ba ang nakikita ko?! Sila ba yun?! Paano?!
Tumingin ako sa dilaw na tape na nakaharang pabalik sa aming bahay, kita ko palang mula sa pintuan namin kung paano nilagyan ng puting tela ang katawan ng magulang ko.
Biglang nagslow motion ang paligid at wala akong marinig, tanging paghinga ko lang ang nararamdaman ko. Di ko namalayan na tumatakbo na pala ako papalapit sa aming bahay. Nung malapit na kong makapasok sa pintuan ay bigla na lamang akong pinigilan ng isang pulis.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko pero pilit nila akong nilalayo. Nagpumiglas ako at pilit na pumasok sa bahay.
Pagpasok ko ay gulo gulo ang bahay. May mga nasirang gamit at halos lahat ng parte ng sahig ay napapalibutan ng dugo. Napatingin ako sa sapatos ko at nakitang may bakas na ng dugo.
Napaluhod ako ng makita ang dalawa kong kapatid na wala ng malay, nakadapa si Dylan at si Cassie naman ay katabi nito. Walang lumalabas na luha galing sa mukha ko at nakatulala lang ako sakanila. Sinundan ko ng tingin ang pagbuhat ng katawan nila Cassie at dylan ng medics. Pumikit ako ng mariin at dinama ang sakit.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kahit na gusto kong magwala at sumigaw ay walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong umiiyak.
Ang sakit. Ang sakit isipin na sa isang iglap ay wala na sila. Humahagulgol na ko at wala na akong pake sa kung anong isipin ng tao.
Natauhan lang ako nung may dalawang pulis na humawak sa braso ko at pilit na pinapaalis sa crime scene. Inalis ko ang pagkakahawak nila sakin at isa isang pinuntahan ang katawan nila mama at papa.
"Ma, andito na ko. Sinong may gawa sa inyo nito Ma!" sigaw kong sabi at hinawakan ang katawan nilang walang malay.
"Pa, gumising na kayo oh! andito na ko! Si Dominique toh. Please, please gumising na kayo. Wag niyo kong iwan please," pagmamakaawa ko habang hinahaplos ang mukha ni papa na nababalutan ng onting dugo.
"Hindi, hindi pa kayo patay...lumaban kayo Ma, Pa...kailangan ko malaman kung sino may gawa sainyo nito," sambit ko habang patuloy padin sa pag iyak.
Hindi ko narin marinig ang sarili kong boses dahil nanghihina narin ako. Para na kong baliw...kinakausap ko sila kahit na alam kong hindi sila sasagot. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na isa lamang itong masamang panaginip, na bukas ay okay na ang lahat. Na bukas ay makikita ko padin sila.
Bumalik ang diwa ko nung hinila nanaman ako ng pulis palayo kela mama at papa. Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang pagkahawak nila sakin.
"Ma'am, hindi po kayo pwede dito, kailangan niyo po munang umalis," sambit ng pulis at pilit akong pinapatayo.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...