#IASS17
Hindi ko alam kung saan ako papunta pero ayoko pang umuwi. Tanging ang poste lamang ang nagsisilbing ilaw sa nilalakaran ko. Malapit nang lumubog ang araw at dumidilim narin ang nilalakaran ko.
Napadaan ako sa isang park kung saan makikita ko ang ilang bata na naglalaro. Ang iba naman ay nakatambay lang. May mga estudyante din akong nakikita at ilang street vendors na nagbebenta ng street foods. Pinagmasdan ko sila at masayang masaya sila habang kapiling nila ang isa't isa.
Hindi ko maiwasang hindi mainggit habang pinagmamasdan ko sila. Halos araw araw ay ganito ang sitwasyon. Napapatulala nalang ako at para bang wala ako sa sarili. May lumapit saking dalawang bata, isang babae at isang lalaki at inaalok akong bumili ng sampaguita.
"Ate, ate bili na po kayo. Limang piso lang po isa. Sige na po, hindi pa po kami nakakakain kanina pang umaga."
"Para lang po sa kapatid kong may sakit, bumili na po kayo," sambit naman ng pangalawa.
Hindi matatago ang lungkot at deperasyon sa mukha nila. Ang suot nila ay madumi na at punit ang ilang parte ng damit nila. Nakapayapak lang sila at hawak hawak ang dalang sampaguita.
Pilit akong ngumiti at lumuhod sa harapan nila.
"Sige bilhin ko na lahat," tipid kong sabi at kumuha ng pera sa wallet
"Talaga po?! Naku salamat Ate!" sambit nilang dalawa at masayang binigay sakin ang bulaklak
"Oh eto, pambili niyo ng pagkain," sambit ko at binigay na ang pera
Masaya naman nila itong tinanggap at kinuha naman ang sampaguita. Ngumiti ako sakanila at pinagmasdan ang paglayo nila. Sinundan ko lang sila ng tingin at nakita kong bumili sila ng pagkain sa tindahan.
Nakita kong lumapit sila sa isa pang bata na nakaupo sa bench ng park at masayang binigay ang pagkain na binili nila. Sumilay ulit ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan sila.
Kahit na mahirap sila ay nandyan padin sila sa isa't isa. Kahit na ganun ay nagagawa padin nilang ngumiti habang eto ako ngayon nag iisa at hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay ko.
Dumeretso nalang ako sa paglalakad at nilagpasan na ang park. Mas lalong dumilim ang kalsada dahil isolated narin ang lugar na ito. Nagpasalamat ako dahil bumukas ang ilang poste ng ilaw sa dinadaanan ko.
Habang naglalakad ay may papalapit sakin na grupo ng lalaki at mukhang lasing sila dahil paligoy ligoy ang lakad nila. Kinabahan ako dahil wala akong nakikitang ibang tao maliban samin. Binilisan ko nalang ang lakad ko at iniwasan sila. Pinagdasal ko nalang na sana hindi nila ko pansinin.
Hindi ako komportable kapag may mga grupo na lalaki na minsan ay nakatambay sa labas ng bahay namin o kaya sa kalsada.
Habang papalapit ako ay hindi ko alan bat ako pinagpapawisan. Malapit ko na silang malagpasan pero tumingin sa gawi ko ang isang lalaki.
"Hi miss."
Lumingon naman ang iba niyang kasamang lalaki at bahagyang ngumiti sakin. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.
Nagulat ako nung hinarangan ako bigla ng isang lalaki. Madilim pero kita ko ang nakakalokong ngisi niya sakin na may halong pagnanasa. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at nilapit lalo ang mukha sakin. Bahagya niyang inamoy ang buhok ko
Hindi ko rin maiwasan ang amoy alak nito sa katawan."San ka pupunta? baka gusto mong sumama samin, gabi na oh at delikado na dito sa kalsada. Huwag kang mag alala, masaya kaming kasama," sambit niya at akmang hahawakan ako sa braso pero tinabig ko iyon
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...