#IASS15
"Mom..."
"Dad!"
"No!"
"Dominique!"
"Dominique wake up! your having a bad dream!" sambit ni Reign at agad akong nagising.
Was it all just a bad dream? But why did it feel so real?
"Here, drink some water first," nag aalalang sabi ni Reign at binigay sakin ang isang baso ng tubig.
"Thanks," mahina kong sagot at dirediretsong ininom ang tubig
Hiniwakan ko ang ulo ko at pilit inaalala ang nangyari. I suddenly realized that I was not dreaming. My parents and my siblings! I have to see them!
Agad agad akong bumangon sa kama pero pinigilan ako ni Reign. Tumingin ako sakanya at bakas sa mukha nito ang pag alala
"Where are you going?" mahinahong sambit ni Reign habang titig na titig kay Dominique
"My family, I have to see them. Please kailangan ko silang makita," sagot ko at inalis ang pagkakahawak niya sakin
"I'll come with you but first we should eat, tinanghali ka na ng gising," sambit ni Reign
"What?" tanong ko at tinignan ang orasan sa bedside table. Nakita kong 1:00pm na. Shit. This is bad...paano kapag may nangyari ulit sa pamilya ko?! I need to see them immediately.
"Hindi na Reign, kailangan ko na talagang pumuntang ospital!" sambit ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Rinig ko ang tawag sa'kin ni Reign pero hindi ko iyon pinansin.Halo halong kaba ang nararamdaman ko ngayon. Baka sakaling buhay pa sila. Hindi pwedeng mawala nalang sola bigla sa buhay ko.
"Please Mom, Dad...Dylan and Cassie. Lumaban kayo," mahina kong bulong sa sarili.
Bumaba ako ng hagdan at kita kong nagkakalat ang mga kasambahay ni Reign. May mga tira pang pagkain sa lamesa at mukhang para saakin iyon.
"Oh Dominique, gising ka na pala. Ipinaghanda ka na namin ng tanghalian. Kumain ka na," masayang bati ng kasambahay
"Ah hindi na po, may kailangan pa po akong puntahan. Pakisabi nalang kay Reign salamat sa tulong niya at salamat din po sa paghanda ng pagkain," sambit ko at tuluyan ng lumabas ng bahay ni Reign.
Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ng katulong dahil wala na akong ibang iniisip kundi puntahan ang pamilya ko.
Paglabas ko ng bahay at nadatnan ko ang mga ibang katulong. Ang iba ay nagdidilig ng halaman at ang iba naman ay pumipitas ng bulaklak sa hardin. Napatingin sila sa'kin na may halong pagtataka.
Tinignan ko ang itsura ko at naka pajama padin ako, kahit hindi ko tignan ang mukha ko sa salamin ay alam kong gulo gulo pa ang buhok ko.
Huminga ako ng malalim at pilit na iniiwasan ang pagtingin nila.Binati pa ako ng gwardya sa gate at tuluyan na akong lumabas. Tsaka ko lamang narealize na hindi ko alam kung saang ospital dinala ang pamilya ko. Naalala ko na naiwan ko ang phone sa kwarto ni Reign. Mahina akong napamura.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Tirik na tirik ang araw kayat maya maya ay napapahinto ako at nagpupunas ng pawis. Maya maya pa ay may naaninag akong isang kotse.
Unti-unti itong bumagal hanggang nasa harapan ko na ito. Binaba nito ang bintana at laking pasasalamat ko ng makita ko ang pulis na tumulong sakin!
"Dominique? ikaw ba yan?" tanong ng pulis
"Ah hello po, ako nga po ito. Pwede po ba akong dalhin sa ospital kung nasan ang mga magulang ko at kapatid ko?" kinakabahang tanong ko at marahang kinagat ang labi ko.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Tajemnica / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...