Chapter 2

950 287 112
                                    

#IASS02

Pagkatapos naming kumain ni Reign ng lunch ay dumeretso na kami sa klase. Naalala ko na hindi ko pala siya magiging kakalse dahil magka-iba kami ng schedule, kaya nagpaalam narin kami sa isa't isa at dumeretso narin ako sa klase.

Pagkapasok ko sa room ay napansin ko marami-rami narin ang mga estudyante, malapit narin sigurong dumating ang prof namin.

Dumeretso na ako sa upuan ko. Since wala pa ang prof, mag-aadvance study narin ako sa lesson namin ngayon. Sa tulong ni Reign, nag-aaral narin ako ng mabuti. Dati kasi di ako ganoong nag-aaral. Lagi lang akong nakikinig sa prof namin, 'di rin ako masyadong attentive sa klase pero kahit ganun ay hindi naman ako bumabagsak.

Kuntento naman ako sa mga grado ko pati narin ang mga magulang ko.

Habang nag-aaral ako napapansin ko na may nakatingin saakin mula sa likod. Dahan-dahan akong lumingon at nagulat ako noong nahuli kong nakatingin sa'kin yung lalaki kanina sa cafeteria. Si Chris.

Naalala ko yung sinabi sakin ni Reign, na 'wag syang pansinin kaya ibinaling ko nalang uli ang atensiyon ko sa libro na binabasa ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag-aaral ko. Ilang sandali ay may narinig akong bumukas na pinto at bumungad doon ang prof namin. Agad ko namang inayos ang upo ko. Hindi nagtagal ay nagsimula nadin siyang maglecture.

"Students, please open your textbook on page 236," sabi ni Sir

Habang binabasa ko ang topic naman ay may narinig akong tumawag ng pangalan ko sa likod.

Probably Chris. Ano bang gusto ng lalaking yun sakin?

Umiling nalang ako at itunuon ang atensiyon sa libro. Unang tingin ko palang kung anong lesson iyon ay tumindig na ang balahibo ko.

Personality disorder

Cluster A

-paranoid

-schizoid

-schizotypal

Cluster B

-Antisocial

-borderline

-histrionic

-Narcisstic

Cluster C

-avoidant

-dependent

-obsessive compulsive

"As you can see in page 236 we are going to discuss Split personality, also known as Dissociative Identity Disorder or DID," sabi ni Sir at mukhang lahat kami ay interesado sa sasabihin niya.

Agad na sinulat ni Sir sa white board ang lesson namin ngayon.

"Does anyone know what is the meaning of DID?" tanong ni Sir sa'min at agad na nagtaas ng kamay ang secretary namin dito sa klase.

"Yes, Ms. Smith."

Tumayo sya at nagsimulang magsalita.

"Dissociative Identity Disorder or DID, previously known as multiple personality is a mental disorder characterized by two distinct or relatively enduring identities or dissociated personality states that alternately show in a person's behavior. Accompanied by memory impairment for important information not explained by ordinary forgetfulness," she said with full confidence.

"Alright, thank you Ms. Smith," sagot ni Sir at may sinulat ulit sa whiteboard.

"And also Dissociative identity disorder or DID is one of the most controversial psychiatric disorder with no clear consensus on diagnostic criteria or treatment," pagpatuloy nya.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon