Chapter 46

96 18 18
                                    

#IASS46

The last time I felt something like this was when I saw my family got murdered. Biglang bumalik sa'kin lahat ang mga nangyari noon, kasabay ng pagtigil ng mundo. It was like a poison that pierced my heart and how it consumed my whole system. 

I still remember how I felt, how everything happened in a blink of an eye. It was that moment where my life turned upside down and I knew it will never be the same anymore.

And now, it happened again right before my eyes.

Sinubukan kong humakbang hanggang sa tuluyan na akong tumakbo palapit kay Uncle. I knelt in front of him and his body was facing the floor. Nababalot ng dugo ang sahig at unti-unti ko siyang hinarap sa'kin. Pinatong ko ang ulo niya sa tuhod ko at hinawakan ang mukha niya.

"U-uncle?" I said and caressed his cheek

I leaned closer to his face to see if he's still breathing. I placed my hand on top of his chest and tried to wake him up. 

"Uncle!" I said whimpering. My hands were shaking as well as my body. 

Hinanap ko kung saan ang kaniyang tama at nakita ko iyon sa may tagiliran niya. Doon umaagos ang dugo kaya sinubukan ko iyong takpan at pigilan. Napansin ko din ang mukha niya na bugbog-sarado at putok ang kaniyang labi.

"Uncle! Please wake up!" 

I was already sobbing. I didn't know what to do. My mind went blank and all I can think about is him.

Niyugyog ko ang katawan niya at muling tinapat ang tainga ko sa mukha niya. Nabuhayan ako ng kaunti noong naramdaman kong humihinga pa siya.

I turned to face him again and caressed his cheek. Nababalutan na ng dugo ang palad ko pero hindi ko iyon pinansin. Nahagip ng mata ko na bahagyang gumalaw ang kaniyang daliri at agad kong binalik ang tingin sa kaniya.

"Uncle?! Please stay with me, stay with me-"

"D-dominique." I heard him whisphered

Humigpit ang hawak ko sa kaniya kahit na nanginginig padin ang kamay ko.

"Just s-stay with me f-for a l-little longer okay? I-I'll get some help," I couldn't even speak properly because of the lump forming on my throat.

Ilang sandali ay may narinig akong yapak sa distansiya at nabuhayan ako noong makita si Rio at Paulita.

Narinig kong napasigaw si Paulita at ilang sandali ay naramdaman ko nalang si Rio sa tabi ko.

"Paulita, call an ambulance!" utos niya.

Nanatili naman ang tingin ko kay Uncle habang patuloy na umiiyak.

"Shit! Dominique what happened?!" sambit niya at nakita kong pumunta ang kamay niya sa duguang katawan ni Uncle.

Malutong siyang napamura at tumingin naman ako sa kaniya.

"We don't have much time Rio! Kailangan niya ng madala sa ospital!" my voice broke

Suddenly, I heard the siren of the ambulance from a distance. Hindi nagtagal ay pumasok sa bahay ang ilang medic habang may bitbit na stretcher. Hinila naman ako palayo ni Rio sa katawan ni Uncle hanggang sa tuluyan na nilang nilagay sa stretcher ang katawan ni Uncle.

Hindi ko magawang tumayo dahil nanghihina pa ang tuhod ko. Nanatili lang kaming nakaluhod ni Rio habang pinagmamasdan ko silang unti-unting lumabas ng bahay bitbit si Uncle. Mariin kong hinawakan ang tshirt ni Rio at naramdaman ko nalang ang sarili na tumama sa dibdib niya.

Pinulupot niya ang kaniyang braso sa'kin at binaon ko lalo ang mukha ko sa dibdib niya. 

"We need to go Dominique," sambit niya at tinayo ako.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon