Chapter 38

101 30 32
                                    

#IASS38

Agad akong bumaba ng hagdan at hinanap kung saan galing ang ingay na narinig ko. Hinanap ko si Rio pero hindi ko masyadong makita ang paligi dahil madilim. Naging alerto ako at tinapat ang hawak kong baril sa iba't ibang direksyon. Nakakabingi ang tahimik ng paligid at unti-unting natuyo ang lalamunan ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa buong paligid pero hindi ko padin makita ang aking pinsan.

Ang daming pumapasok sa isip ko at hindi ko alam kung bakit masama ang pakiramdam ko sa nangyayari. I was praying that nothing bad happened to Rio. 

Tsk asan na ba kasi iyon?!

Agad akong lumingon dahil may narinig akong ilang yapak papalapit sa'kin kaya tinutok ko ang baril doon. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang si Rio lang pala iyon. Binaba ko ang baril ko at bumuntong hininga.

"Rio?! What the fuck?! You scared the shit out of me. I thought something bad happened to you," I said with utmost frustration.

Nagulat ako 'nung lumapit sa'kin si Rio at tinakpan ang bibig ko. My eyes widened with his action and he only sileneced me. "Shh. someone's here."

Madilim man pero kita ko kung paano kumunto ang noo niya at tumingin sa magkabilang gilid. I slowly grabbed my gun from my pocket at ganoon din siya. "I heard something upstairs, I though it was you-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad akong hinatak ni Rio sa likod niya kasabay nun ang nakarinig ako ng isang putok ng baril. Tumingin ako sa direksiyon kung saan ang galing iyon at nakita ko ang duguang katawan sa sahig.

"Fuck Rio, it's a trap!" I quickly loaded my gun and in a few seconds I heard another gunshot.

Tinulak ko si Rio sa gilid dahil muntikan na siyang mabaril. Agad kong pinutok ang bala sa lalaki sa likod niya at agad itong tumumba sa sahig.

The next I knew is that all I can hear are multiple gunshots. Tinulungan ko si Rio at sabay kaming pumunta sa kitchen area ng bahay. Nagtago kami sa magkabilang gilid nito habang walang tigil padin ang pagputok ng baril.

How many are they? Paano nila nalaman na nadito kami at sino ang may kagagawan nito?

All of these questions keep running through my mind at maslalong humigpit ang hawak ko sa baril. I swallowed hard and glanced at Rio.

I saw him loaded his gun and he found my eyes. He slowly nodded and I nodded back. I took a deep breath and the next thing I knew, we were both exchanging bullets from the enemy. Hindi ko alam kung bakit hindi maubos-ubos ang kalaban at patuloy lang kaming bumabaril. I couldn't recognize their faces because they're covered with a black cloth. Nagtago muli ako nung maubusan na ako ng bala habang patuloy padin sa pagputok ng baril si Rio.

Agad kong nilagyan ng bala ang baril at muli kong pinagbabaril ang kalaban. Ilang sandali ay sabay kaming nagtago ni Rio ng unti-unting nauubos ang kalaban. Tumingin ako sa kaniya at agad siyang sumenyas. 

"On three," he mouthed and I slowly nodded.

"One," I whisphered

"Two," he said without breaking eye-contact

"Three!" sambit ko at sabay kaming lumabas mula sa kusina. I was behind him and he was in front shooting bullets at different directions.

Ganun din ang ginawa ko at hinanap ang pinto palabas ng bahay. "Rio! Over here!" I shouted and I heard him groaned.

Lumingon ako sa kaniya dahil patuloy lang siyang bumabaril kaya agad ko siyang hinatak palayo. Sabay kaming lumabas ng bahay at tumakbo papunta sa kotse niya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse pero nakita ko ang kamay niyang nakahawak sa tagiliran niya.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon