#IASS33
"Kuya, dahan-dahan naman oh," sambit ko at inalalayan siya.
Kalalabas niya lang kasi galing ospital at ngayon ay akay-akay ko siya sa isang balikat habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa tagiliran niyang may benda.
Binuksan ko ang pintuan sa bahay at dahan-dahan kaming pumasok. Iginaya ko siya sa living room at pina-upo siya sa sofa. Hinilot ko ang likod ko dahil sa bigat ng braso niyang nakapatong kanina sa balikat ko.
"Hay nako Kuya. Ano ba kasing nangyari sa'yo? Napaaway ka nanaman ba? Sinabihan ka na ng papa mo na huwag na makipag-bugbugan kung kani kanino eh. Tignan mo, ayan. Diretso ospital ka tuloy," sabi ko at umupo sa tabi niya.
Umiwas naman siya ng tingin at hinawakan ang pasa sa mukha niya. Napangiwi siya sa sakit dahil 'dun. "It's not that serious Claire. These wounds will heal soon."
Humalukipkip ako at ngumuso. "Nag-aalala lang naman ako sa'yo eh. Imbis na ikaw nag aalaga sa'kin ay ako pa naging big sister mo," sumbat ko.
Nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Yumuko siya at bumuntong hininga. "Tama ka, I should be the one protecting you and here I am being a worthless cousin. I'm sorry, Claire."
Tumingin ako sa kaniya at di ko maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya ngayon. Ayoko siyang nakikitang nahihirapan. I hate seeing them in this condition.
Kinagat ko ang labi ko at humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay at sumulyap siya doon. "You're not worthless Kuya. Ikaw padin ang best big brother ko!" I tried my best to cheer him up.
Hindi niya ako tinignan at ganun padin ang ekspresyon niya. Tumikhim ako at maslalong lumapit sa kaniya. Inakbayan ko siya pero napangiwi siya sa sakit. "Ahh, sorry."
Lumayo ako ng konti at hinanap ang mga mata niya. "Naalala mo 'nun kuya 'nung nalaman ko na may split personality ako tapos ang daming nag-bully sa'kin na ibang bata. Inaasar nila ako na isip-bata pero pinagtanggol mo ko sa kanila."
Hindi siya umimik at pinagpatuloy ko nalang ang kwento ko. "Tapos naalala mo 'nung sinubukan niyo ni tito na pumasok ulit ako sa school kasi hindi ako nakatapos ng semester at dahil nadin sa...sakit ko," sabi ko at nagsimulang mamuo ang luha ko.
"Sabi niyo kailangan ko pading mag-aral pero hindi nagtagal ay huminto din ako dahil binubully nila ako sa sakit ko. Bakit daw ako paiba-iba ng mood. Nababaliw daw ako, hindi ko daw alam ang mga ginagawa ko. Minsan nagiging biolente daw ako at iba't ibang masasamang salita ang naririnig ko," umiwas na ako ng tingin sa kaniya at agad na pinunasan ang luha.
Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa braso ko at isinandal ako sa kaniya. Hindi ko na napigilan kaya tahimik akong umiyak sa dibdib niya. "S-sorry, k-kung hindi k-ko napagpatuloy ang p-pag aaral ko. Siguro mas gugustuhin ko nalang na mawala na sa mundo baka hindi na ako mahirapan pa," idiniin lalo ako ni kuya sa dibdib niya at hinaplos niya ang buhok ko.
"Shhh, Claire. I'm sorry, hindi ko sinasadya. I promise myself and papa that I will protect you," bulong niya.
Humiwalay ako sa kaniya at umayos ng upo. Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kaniya. "Ako nga dapat ang mag sorry kasi minsan nagiging pabigat na ako sa inyo pero laking pasasalamat ko na dumating kayo sa buhay ko. Nagbago ang lahat at kahit na may sakit ako ay hindi niyo ako pinabayaan. Kayo ang kumupkop at nag-alaga sa'kin. You accepted me for who I am and that's enough for me."
Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap iyon sa'kin. "You're not worthless kuya. No one's perfect. Kahit ako ay hindi perpekto. My life was a mess before, then you came. You and tito are my unexpected blessing. Akala ko 'nung namatay sila mama ay wala na akong kakampi, na hindi ko na mararamdaman ang pakiramdam na may pamilya....but you and tito accepted me wholeheartedly and that is the only reason why I'm still fighting."
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...