Chapter 16

305 132 12
                                    

#IASS16

Umahon na ako sa bathtub at nagdesisiyon ng matulog dahil sa sobrang pagod. Nasa higaan na ako ng makita yung calling card na binigay sakin ng pulis. Naalala ko na hindi ko pa nahahanap ang phone ko. Nakalimutan ko na kung saan ko iyon nilagay.

Bumangon ako sa kama at nagsimulang maghanap. Alam kong wala iyon dito sa guest room kaya dumeretso ako sa kwarto ni Reign. Kumatok muna ako ng tatlong beses pero walang nagsasalita.

Nakauwi na kaya siya? Gabing gabi na at wala parin siya?

Nag-aalala na ko kay Reign dahil hanggang ngayon ay hindi padin siya nauwi. Pumasok na ako sa kwarto niya at nakita na bagong linis iyon. Lagi kasing nililinisan ng mga kasambahay nila ang bawat kwarto araw araw kaya hindi na ako nagtaka.

Nagsimula na akong maghanap. Sinimulan ko sa bedside table at binuksan ang mga drawers ngunit wala akong napala. Pumunta naman ako sa kama at hinanap doon. Tinignan ko rin sa ilalim ng kama baka nahulog doon.

"Shit, asan ba kasi iyon?" sabi ko sa sarili ko at pinagpatuloy ang paghahanap.

Chineck ko din sa ibabaw ng TV at sa mga bookshelves pero wala. Hindi kaya nakuha ng isa sa mga kasambahay? Baka nakita nila kung nasaan!

Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay huli kong chineck ang walk in closet ni Reign. Nag isip muna ko kung itutuloy ko pa ba pero pumasok nadin ako. Maraming damit ang bumungad sakin at lahat iyon ay mukhang mamahalin. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang phone. Paalis na ako ng may mapansin sa laundry basket.

Unti-unti akong lumapit doon at nakita ko ang isang itim na jacket na medyo marumi at basa pa. Noong una ay nagtaka ako dahil mukhang mumurahin lang ang damit at halatang gamit na. Knowing Reign, she doesn't like to wear cheap clothes. She rarely wears a jacket thats why I find it weird. Binalik ko nalang iyon sa laundry basket.

Tumayo na ako at lumabas ng walk in closet. Hindi ko alam pero hindi ko na tinuloy ang paghahanap ng cellphone ko. Tatanungin ko nalang bukas sa mga kasambahay baka sakaling nakita nila noong naglinis sila ng kwarto.

Lumabas na ako ng kwarto ni Reign at bumalik sa guest room. Humiga ako sa kama ko at pinatay ang lampshade sa side table. Pumikit ako pero hindi parin mawala sa isip ko ang jacket na nakita ko kanina.

****

Nagising ako sa liwanag ng araw na bumungad sakin. Nagtaklob ako ng kumot at pinilit ang sariling matulog ulit.

"Dominique, gising na!" rinig kong boses ni Reign at niyugyog ako.

"Ayoko pa," I groaned.

"Ilang araw ka nang hindi pumapasok, baka nakakalimutan mong estudyante ka at nag-aaral ka pa," sambit bi Reign kaya agad akong napabangon.

"Shit, ilang araw na ba?" tanong ko sabay kusot ng mata.

"Mag-iisang linggo ka nang hindi pumapasok! Sinabi ko sa principal ang nangyari sa pamilya mo at pumayag naman siyang hindi ka muna papasukin pero nag-aalala lang ako sayo dahil marami ka ng namiss na lessons. Alam kong hindi madali para sa'yo ang nangyari pero sana 'wag mong pabayaan ang sarili mo,"
sambit ni Reign habang nag-aalalang nakatingin sa'kin.

"Hindi ko pa alam kung kaya ko pang pumasok Reign," mahina kong sabi.

Totoo dahil hindi ko kayang makita ang mga kaklase ko at ibang estudyante. Sa palagay ko ay may alam na sila sa sinapit ko. Mahirap pero ayoko silang kaawaan ako. Hindi ko kailangan ng awa nila.

"Kaya nga heto ako ngayon dala ang mga lessons at handouts na kailangan mo," sambit ni Reign at binigay sakin ang ilang libro at mga papel.

"Kinuha ko nadin ang ibang libro sa locker mo," pagpatuloy niya.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon