Chapter 10

382 172 20
                                    

#IASS10

Dumaan ulit ang isang linggo at nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

What a stressful week. Sobrang daming requirements ang kailangan gawin kahit na senior highschool palang ako.

Ugh! I wanna go back to elementary. Yung panahong chill lang. Di kailangan mastress sa school. Bigla tuloy akong nainggit sa mga kapatid ko. Maswerte nga sila dahil may nakakatandang kapatid sila na tumutulong sa assignments nila.

Nagulat ako nung biglang may kumatok sa pintuan.

"Ate!" rinig ko ang boses ni Cassie.

Tatayo na sana ako para pag-buksan sila nang bigla nalang siyang pumasok sa kwarto. Nakita ko naman si Dylan sa likod niya. Napansin ko na nakaayos sila at mukhang aalis.

"Oh bat nakaayos kayo? San punta?" tanong ko at nakita kong sumampa si Cassie sa kama ko habang si Dylan naman ay nakatingin lang sakin at hawak niya rin ang laruan niyang spider man.

"Ate, aalis daw tayo sabi ni mama kaya magbihis ka na," sagot ni Cassie at mukhang kanina pa siya inip na inip.

Nung una ay parang ayoko pa sumama dahil sobra kong pagod. I need some rest pero naalala ko ay minsan na lang din kami nakakapag-bonding ng pamilya ko. Usually ay may pasok kaming magkakapatid pati narin si Dad kaya madalas ay naiiwan dito si Mama mag-isa sa bahay.

"Okay sige, mag aayos lang si Ate. Hintayin niyo nalang ako sa baba " sagot ko at ginulo ang buhok nilang dalawa.

"Okay ate! Please hurry up!" sagot ni Dylan at bumaba na sa kama ko.

Sumunod naman si Cassie at tuluyan na silang lumabas ng kwarto ko.

****

Andito kami ngayon sa mall at tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Pumasok kasi kami sa toy kingdom at eto sila nagpapabili nanaman ng laruan kayla Mama.

Hays, kailan ba sila magsasawa? kabibigay ko lang nung laruan na binili ni Reign last week tas eto uli sila. Sobrang spoiled talaga nila kahit kailan.

Bigla ko tuloy naalala na nakita ko nga pala si Damien dito kaya lumingon ako at tumingin tingin sa paligid baka sakaling makita ko siya ulit.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman siya dito. Matapos ang isang oras ay nakaalis nadin kami sa toy kingdom. Natawa ako nung umiyak si Dylan dahil hindi sya binilhan nung gusto niyang laruan. Pano ba naman ang gusto nya ay yung iron man costume na sobrang mahal. Hindi afford ng parents ko yun.

Namasyal pa kami saglit at ng matapos ay kumain na kami sa isang restaurant. Napansin ko na medyo sosyal itong restaurant na kakainan namin.

Kelan pa kami kumain sa gantong lugar? Ano bang meron ngayon?

Umorder na si Dad ng aming kakainin. Nagulat pa ako nung tinignan ko ang menu at ang mamahal ng pagkain. Hindi ko din alam kung paano basahin ang mga pangalan nung pagkain. Halos lahat doon ay ginto ang presyo.

Habang naghihintay ay nagulat ako nung may inabot si Daddy kay Mommy. Isa itong boquet ng bulaklak kasama nito ay maliit na box. Parang ang laman nun ay mamahaling alahas.

Nagulat si mama nung makita iyon, tila hindi nya aakalain na may ibibigay si Dad. 

Yung totoo Daddy? Teenager? pero natuwa ako dahil daig pa nila mga teenagers ngayon.

"Happy 15th anniversary hon," sweet na sabi ni Dad sabay halik sa pisngi ni Mama.

Napangiti naman si Mama na kilig na kilig at tinanggap ang regalo ni Dad.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon