The next chapters include flashbacks, before Dominique's family died.
Happy reading Seulmates!
___________________________________
#IASS11
Chris' POV
I am here today in front of Dominique's house. Andito ako sa sasakyan habang nakamashid sa pamilya nya. I muttered a curse word before getting a ciggarette and put it between my lips. Sinindihan ko iyon at tumingin sa salamin ng aking sasakyan. Nakita ko ang pagbuga ng usok galing sa bibig ko. Inuntog ko ang aking ulo sa manibela at inalala ang nangyari tatlong oras na ang nakalipas.
3 hours ago
Pinagmamasdan ko si Dominique kasama si Reign at masaya silang nagkwekwentuhan. Kita ko ang magagandang ngiti sa labi ni Dominique at kung paano sya tumawa kapag kausap si Reign.
I like her. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung kelan nagsimula itong nararamdaman ko sakanya pero masaya ako kapag nakikita ko sya. Nandito ako sa field at tanaw na tanaw ko sila sa harap ko.
Nakaupo sila sa bleachers dahil dun sila lagi tumatambay kapag vacant nila. Ako naman ngayon ay nagpapahinga dahil kakagaling ko lang sa practice ng football. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo at tumayo na ko para makapag bihis. Suot ko parin kasi ang jersey ko na pawis na pawis na dahil sa sobrang init at hirap ng training.
Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng gamit at damit pagkatapos ay dumeretso ako sa CR para maligo.
Maganda sa school namin dahil may sariling banyo ang mga student-athlete kagaya ko. Pagpasok ko sa banyo ay wala ng tao dahil kanina pa tapos magtraining ang mga kaibigan ko at ako nalang ang naiwan. Binuksan ko ang shower at nagsimulang maligo.
Dinadama ko ang tubig na dumadaloy sa katawan ko at nagsimulang magsabon ng katawan. Muli nanamang sumagi sa isip ko si Dominique at di ko naiwasang mapangiti.
Alam ko ang reputasyon ko sa school. Sinasabi nilang playboy ako at siraulo. Aaminin ko na totoo naman yon pero di ko alam bat ganito ang nararamdaman ko kay Dominique.
Alam ko bago lang sya sa paaralan na ito pero di ko rin napigilan na lapitan sya nung first day. Napangiti ako nung maalala ko kung pano nya ko sinungitan non pero dahil don ay mas gusto ko pa syang makilala.
Natauhan ako ng biglang may narinig akong pumasok sa banyo. Lumingon ako pero wala akong nakita. Ang alam ko ay mga student athlete lang ang pwedeng makapasok sa banyo na ito. Imposible din naman na isa sa mga kaibigan ko yun dahil kanina pa sila natapos maligo.
Di ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagliligo. Pero nagulat ako nang biglang bumukas ang shower sa dulo. Lumingon ako sa side nayun pero wala akong nakitang tao. Rinig ko ang malakas na pagbagsak ng tubig sa sahig.
"Who's there?" sabi ko at pinatay ang shower. Nagtapis ako ng twalya at tuluyang lumabas sa shower. Walang sumagot sa tanong ko kaya lumapit ako doon sa cubicle na may bukas na shower. Medyo kinakabahan ako sa mga nangyayari pero pinilit kong kumalma.
Unti unti akong naglakad patungo doon at pagtingin ko ay wala namang tao na mas ikinagulat ko. Huminga ako ng malalim bago ko pinatay ang shower. Ang alam ko ay may narinig talaga akong pumasok sa banyo at binuksan ito. Hindi ako naniniwala sa multo, alam kong tao ang gumawa nun. Inisip ko nalang na baka may isa sa estudyante na nantitrip lang. Madalas ay nangyayari din yun. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumalikod na. Nababaliw na ata ko.
Pagtalikod ko ay muntik pa kong madulas dahil sa pagkagulat. Nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking bumugbog sakin. Ang lalaking muntik ng pumatay sakin. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano ako ginago ng lalaking ito. Hanggang ngayon ay galit na galit padin ako sakanya at gusto ko narin syang gantihan.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...