#IASS20
Pumasok ako dito sa isang Chinese restaurant dahil iyon ang sinend sakin na address ni Inspectora. Tumingin ako sa paligid at nakita ang magandang interior nito. Halos pula ang kulay ng mga pader at may iba't ibang disenyo ng chinese characters. May nakasabit din na mga lanterns sa taas na maslalong nagpapaliwanag sa buong lugar.
I saw a woman and she greeted me. She's wearing a chinese outfit and her hair are perfectly styled with a bun. She's also wearing a light make up but I bet she no longer needed one. I greeted her back and scanned the place hoping to see Inpectora.
Tinaas naman ni Inspectora ang kamay niya kaya agad ko siyang nakita. Naglakad na ako papunta sakanya sa dulong bahagi ng restaurant kung saan wala masyadong tao na nakaupo.
"Sorry, I'm a bit late. Kanina ka pa ba?" tanong ko at umupo.
"No, it's fine, kakararating ko lang din."
"Did you eat? If you want, let's order first," sabi at akmang tatawagin na ang waiter pero pinigilan ko siya.
"Ahh wag na po, busog pa po ako," sagot ko pero sa totoo lang ay kanina pa ko nagugutom.
I declined because I did not come here to eat, gusto kong malaman kung may bagong impormasyon ba sa kaso.
"Are you sure?" nakakunot na tanong ni Inspectora
"Yes, gusto ko lang malaman kung ano iyong sasabihin sakin," diretso kong sagot
She sighed before placing her hands on the table, leaning closer to me. "Okay, so I went to your neighborhood to interrogate some of your neighbors regarding your case. Tinanong ko sila isa isa kung may nakita ba sila bago mangyari ang insidente."
"And?" kuryoso kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sakanya
"Some said that they didn't see someone or something strange that day. They were suddenly shocked because they heard police sirens and ambulance coming to their neighborhood. Naabutan nalang nila na pinapasok na ang bahay ninyo," sambit nito at umiwas ng tingin
I bit my lip and tried my best to hide my anger. I clenched my fist and I don't know why I was getting already.
"That's it?" tinignan ko siya habang nakakuyom ang kamao ko
"But we have one witness," sagot niya at dahil doon ay nabuhayan ako
Umayos ako ng upo at tumingin sakanya. "Who?"
Tumikhim siya bago magsalita. "May kinausap akong isang batang babae. Anak siya na isa sa mga kapit bahay niyo. Kinausap ko kasi ang mga magulang niya pero nagulat ako nung makita siyang nakatingin sa bahay ninyo na para bang takot na takot. Napansin ko iyon kaya kinausap ko siya. Kinwento niya na may nakita daw siyang lalaki sa bahay ninyo. Kasalakuyan daw siyang naglalaro sa tabi ng bahay ninyo no'n."
"Sinabi niyang may nakita siyang pumasok sa bahay ninyo. Akala niya magnanakaw dahil suot nito ay puro itim. Hindi niya nakita ang mukha dahil medyo malayo siya rito. Nang dahil sa takot ay nagtago siya sa isang puno malapit sainyo. Nagulat nalang siya dahil ilang minuto ay lumabas bigla ang lalaki sa bahay ninyo," dagdag niya.
I sighed. "Nakita niya na ba ang itsura ng lalaki nung lumabas ito?" tanong ko at pinaglaruan ang daliri
"Yes. Fortunately, nakita niya na ang itsura nito dahil bahagyang nagkakatitigan sila pero nagulat siya nung mabilis iyon lumakad palayo sa bahay ninyo. Natakot siya kaya mabilis din siyang umalis sa bahay ninyo," sagot niya at sumandal sa upuan.
"Where is she?! I want to talk to her! Siya na ang susi sa problema ko! Bring her to me now!" sigaw ko at napatayo
"Dominique! Calm down, we can talk to her tomorrow for clarification," sagot niya at hinawakan ang dalawa kong balikat
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...