Chapter 50

181 15 26
                                    

#IASS50

I was about to turn my back but I already saw the police coming. Tumakbo ako kahit na masakit ang katawan ko. Tuluyan na akong nakalabas sa mansion at wala ako masyadong makita dahil sa madilim na paligid. Napapaligiran ako ng puno at makitid ang daan. Nagsimula akong maglakad sa mapunong gubat at ilang sandali ay natanaw ko sa malayo ang dumaan na kotse na si tingin ko ang galing sa pulis.

Nagpalipas ako ng ilang minuto at nagtago sa malaking puno. Sumilip ako at nakitang isa-isang dumaan ang kotse nila. Ilang sandali ay lumabas na ako noong unti-unti nang lumalayo ang ingay. Nagsimula ulit akong maglakad hanggang sa nakatapak na ako sa kalsada.

Madilim at walang tao maliban sa'kin. Iika-ika ang lakad ko dahil naramdaman kong kumirot ang bawat kalamnan ng katawan ko. Pinilit kong maglakad ng mabilis upang hindi abutan ng pulis. Huminto ako saglit dahil kinakapos na ako ng hangin. 

Nagsimula ulit akong maglakad sa sidewalk at hindi na lumingon pa. Hindi ko alam kung bakit unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko. My throat felt dry and any minute I can collapse in the middle of the road but I force myself to walk. I still have to see Uncle and Rio...and Paulita. They're all waiting for me.

I don't even know how long it will take me to get back. Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon at hindi ko din dala ang telepono ko. I wished there was a gas station near by or a payphone.

Malalim ang bawat paghinga ko at mabibigat ang hakbang ko. Unti-unti nang bumabagsak ang talukap ko at nakita ko nalang ang aking sarili sa gitna ng daan. Naaninag ko ang isang kotse na papalapit ilang metro ang layo sa'kin. Hindi ko iyong masyado makita dahil nanlalabo ang paningin ko. Inangat ko ang kamay ko upang takpan ang ilaw na sumisilaw sa mata ko.

Ilang sandali ay unti-unting huminto ang sasakyan sa harap ko. Doon ko lang napansin na isa itong kotse ng pulis. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at tila nanigas ako sa kinakatayuan. Tulala lang akong nakatitig sa kotse sa harap ko.

Ilang sandali ay bumukas ang pintuan ng kotse. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa liwanag galing sa kotse. Napansin ko nalang na may hawak siyang baril at nakatutok iyon sa'kin.

"Drop the weapon," sambit niya at sinara ang pinto ng kotse.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya at nanatili lang na nakatayo kahit na tinututukan niya ako ng baril.

"I said drop the gun!" ulit niya sa masmalakas na boses.

Doon na bumalik ang diwa ko at unti-unting itinaas ang dalawa kong kamay sa ere. Hawak-hawak ko padin ang baril ko habang tulala sa kawalan. Binalik ko ang tingin sa kaniya at dahan-dahang lumuhod at nilapag ang baril sa sahig. Itinulak ko iyon sa kaniya at tumama iyon sa papa niya.

"Now turn around," dagdag niya.

Dahan-dahan akong tumayo habang nakataas padin ang dalawa kong kamay. Bago pa ako tuluyang tumalikod at napahinto ako noong binanggit niya ang pangalan ko.

"Dominique?" aniya

Unti-unti akong bumaling sa kaniya at nagtagpo ang aming mata. Hindi ko alam kung bakit bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Kilala ko ba siya? Paano niya ako nakilala?

"It's really you," sambit niya at unti-unting binaba ang baril niya

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng itim na slacks at puting turtle neck na long sleeves. Mayroon ding badge sa nakasabit sa leeg niya. Nakatali ang buhok niya na maslalong nagdepina ng hugis ng mukha niya.

Naguguluhan na ako sa nangyayari at kung bakit niya ako kilala pero hindi ko padin inaalis ang tingin sa kaniya.

"It's me, Inspector Raquel," sambit niya at pinakita ang police badge sa harap ko.

In a Split SecondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon