#IASS41
"Dominique!"
Agad na lumapit sa'kin si Paulita at lumuhod sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at nanatili padin ang tingin ko sa litrato na hawak ko.
Bumalik ang diwa ko nung naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa braso ko. Tumingin ako doon at inilipat ang tingin sa kaniya. Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya kaya agad akong tumayo dahilan ng pagbitiw niya sa braso ko.
Tumingin ako sa paligid at nakita na halos lahat ng tao sa cafe ay nakatingin sa'min. Ang ilan ay nagbubulungan habang ang iba ay nakatuon ang atensiyon sa'kin.
Akma ulit akong hahawakan ni Paulita pero agad kong tinabig ang kamay niya at nakita ko ang pagawang ng labi niya. Tahimik kong inayos ang bag ko at mabilis na lumabas ng coffee shop.
Naglalakad na ako pauwi sa'min habang hawak hawak ko padin ang papel na may litrato niya. Bahagyang gusot na ito dahil sa paghawak ko kaya agad ko siyang inayos.
Habang naglalakad ay unti-unti ko ding naalala ang mga panahon na kasama siya. Hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Miguel. Pilit ko ding inaalala ang babae na nakasalubong ko sa hallway sa gambling house.
Pagkauwi ko sa bahay ay hindi padin mawala sa isip ko si Reign. Nakita ko ang aking pinsan sa sala habang nanonood ng TV. Sumulyap siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Nakita kong bumaba ang mata niya sa papel na hawak ko kaya pasimple ko iyong tinago sa likod ko.
Umiwas nalang ako ng tingin at dumiretso sa kwarto ngunit napatigil ako nung makita si Uncle sa balcony habang naninigarilyo.
Bumuntong hininga ako bago tuluyang pinihit ang doorknobb ng kwarto ko. Pumasok ako sa loob at nilock ang pinto.
Hanggang ngayon ay hindi padin kami nag-uusap. Tuwing kumakain ay wala kaming imikan. Alam kong mabigat padin sa amin ang nangyari at hindi padin namin matanggap iyon lalo na kung hindi lang basta basta ang pagkamatay ni Miguel.
Hindi ko nadin pinilit na kausapin si Uncle tungkol doon at binigyan ko nalang siya ng space dahil alam kong mas masakit ang dulot sa kaniya ng nangyari.
Sumandal ako sa pintuan at mariing pumikit. Litong lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Ang daming pumapasok sa utak ko pero lahat ng iyon ay parang hindi konektado sa mga nangyayari.
Tinignan ko ang gusot na papel na hawak ko. Ilang segundo ko iyong pinagmasdan bago dumiretso sa mini desk ko. Agad kong inalis ang mga kalat na nakapatong doon. Kinuha ko ang bago ko at nilabas ang mga papel doon. Inayos ko sila isa isa sa lamesa at umupo sa upuan. Pinusod ko ang buhok ko at nagsimulang basahin ang impormasyon ng bawat isa.
Lumipas ang isang oras pero tila wala akong nakuhang impormasyon na makakatulong sa'kin. Napasabunot nalang ako sa buhok ko at sumandal sa upuan ko. Ilang sandali ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa at agad ko iyong kinuha.
Tumambad sa'kin ang isang text galing kay Paulita.
Umayos ako ng upo nang makita ang isang link galing sa mensahe. Agad ko iyong pinindot at ilang sandali at tumambad sa'kin ang isang cctv footage.
Napakagat ako sa labi at bahagyang kumunot ang noo ko. Ito ang cctv footage sa hallway kung saan kami nagkasalubong nung babaeng nakita ko. Dahan-dahan kong pinindot ang video at tahimik na pinanood.
Nakita ko kung paano lumabas ang isang babaeng mula sa kwarto ni Miguel. Nakaitim na suot ito at may cap na suot kaya natatabunan ang mukha niya. Wala akong nakitang baril o armas na pwede niyang gamitin sa pagpatay kay Miguel.
Ilang sandali ay nakita ko na ang sarili ko sa video. Mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang na nagkasalubong kami ngunit mabilis lang din siyang naglakad. Tinigil ko ang panonood at inulit sa umpisa ang video.
BINABASA MO ANG
In a Split Second
Mystery / Thriller[COMPLETED] Claire Dominique Robinson is a sophomore student from St. Ambrose. Like every teenage girl, everything about her life is normal until one tragic night when her family was brutally murdered. She now finds justice for the death of her fami...