Nagsimula ang pag-ibig natin sa pagkakaibigan,pagkakaibigan na 'di na inaasahang uusbong,dahil sa tayo'y nagbabangyan dito,at doon.
Pero,dahil sa pagkakaibigan,at pag-ibig nating ito nalampasan natin ang mga pagsubok,dahil naging sandigan natin ang isa't-isa.
Pero bakit ngayon tila sa inaakalang pagkakamali ko sayo,at sa pag-ibig natin,ay nais mo na lang bang basta-basta bitiwan ang "Tayo",yong tiwala,at pagmamahal mo,para sa 'kin,ay naglaho na,sa piling ko'y lumisan ka kaya ang tanging nanatili na lamang,ay ang mga alala na ika'y kapiling pa,at ang mga luha ko na pilit na pumapawi sa sakit na nadarama ko.
Humingi man ako ng tawad sayo ngayon sa kasalanang 'di ko naman ginawa,alam kong nasaktan pa rin kita,at ang pangako ko sayo na "Tayo hanggang dulo" na pinanghahawakan mo sa puso mo,kasama ang pagmamahal mo, para sa 'kin ngayon,ay naglaho na.
Pero aasa pa rin ako muli kong maibalik ang tiwala,at pagmamahal mo,para sa 'kin sa puso mo sa pamamagitan ng pagmamahal ko,para sayo,dahil naniniwala ako sa pangako sa ko sayo na "Tayo hanggang dulo",at sa pagmamahalan natin,at 'di na maglalaho yon ngayon,at magpakailanman.
