"Pangakong Magpakailanman."

5 1 0
                                    

Mula nang magkakilala tayong dalawa binago natin ang ikot ng mundo ng isa't-isa,at mundo din ng pag-ibig,may asaran,kulitan,tuksuhan,masasayang pangyayari sa tuwing tayo'y magkasama,ngunit may mga panahon din na pareho tayong nasaktan.

At sa mga panahong yon hinilum natin ang puso ng isa't-isa gamit ang pagmamahalan na ating unti-unting binuo,minsan sa SOBRA nating saya sa pagmamahalan na ito na 'di natin inakala na may MAS malaking pagsubok tayong pag-dadaanan;Na aabot sa paglimot sa 'ting pangako.

At sa paglisan sa piling ng isa't-isa muli tayong nasaktan na pareho na nating 'di inaasahan,at inakala ding 'di na kakayanin pang maghilum,at magmahal ng muli,kahit tila ang puso hanap ka pa rin makalipas man ang mahabang panahon.

Tila ang tadhana'y may ibang plano,para sa 'tin?,dahil ang ating mga puso'y sinisigaw ang pangalan ng isa't-isa.

At ngayon sa pangalawang pagkakataon ng ating pagmamahalan patutunayan nating dalawa na kakayanin natin ang bawat pagsubok na darating sa 'tin sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos,pamilya,at sa isa't-isa na kasama ang panghahawakang "Pangakong Magpakailanman."

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon