"Paano ba?."

31 3 0
                                    


Alam kong may mali akong ginawa sayo no'n,pero gusto ko nang itama yon,kahit 'di ko alam,kung "Paano ba" gagawin?.

Kasi kahit gusto kong maging parte pa rin tayo ng buhay ng isa't-isa,alam ko ding 'di na pwede,kasi may mahal ka ng iba,kahit na sabihin ko pa sayo na hawak ko pa rin sa puso ko ang pangako mo sa 'kin hanggang ngayon,'di na mababago ang nakaraan.

Pero "Paano ba" ako makakapagpatuloy sa buhay ko nang 'di ka kasama,at magmahal ng iba,kung 'di naman ako bigyan ng pagkakataon ng tadhana na sabihin sayo na "Sana patawarin mo ako?."

Paano ko ba ibibigay ang puso ko ng buo sa taong nagpapasaya sa 'kin?,kung puro sakit,at luha ng nakaraan ang nadarama ko.

Gusto ko na siyang mahalin,pero "Paano ba" kita pakakawalan dito sa puso,kung ang mga alaala mo lang ang paraan ko,para makasama pa rin kita.

Paano ko ba sasabihin sa puso ko na,'di na ikaw ang dapat mahalin ko,kasi dapat siya na "Paano ba?."

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon