Paulit-ulit man nasaktan,at masasaktan sa pagmamahal sayo,pilit pa rin akong babangon,para ipagpatuloy ko ang buhay ko kahit 'di ka na bahagi,at kapiling.
Matagal man nanatiling durog ang aking puso,pero aking pagtanto na kailangan kong patawarin aking sarili,para maghilom,at mabuo muli ang puso ko.
Huling luha mula sa 'king mga mata,ay tanging dulot ay huling paalam sa 'ting mga alala na pilit kong pinang-hahawakan maski matagal ko nang napagtantong ito'y nararapat ko nang bitawan,at kalimutan.
Huling patak ng galit,at pagka-awa sa 'king sarili,dahil sa kasalanang 'di naman sadya;Alam kong binalewala ko ating kwento ng ganon-ganon na lang,at alam ko ng 'di mababago,at mababalikan ang ating kwento,kaya tanggap ko na tapos na,at tayo'y umaabot sa dulo ng ating kwento.
Napagtanto ko na rin na kailangan ko ng simulan ang sarili kong kwento na matutunan na mahalin ang sarili ko.
Kaya ito na ang "Dulo ng ating kwento,at simula ng aking sariling kwento."
